CHAPTER 37: Snobbed

45 3 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

HAIDES'S POV

NAG-AASIKASO na kami dahil ngayon ang araw na uuwi na kami.

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako pinapansin ni Claire, may nagawa ba ako?

Kahapon..

d>>>_____<<<b

Pinipilit ko alalahanin pero ang huli ko lang naalala ay nag-uusap kami ni Paulene at sinabi nya na tapos na ang challenge, sobrang saya daw nya dahil pinayagan ko syang maramdaman kung paano ako maging boyfriend.

Pero bakit.. Ahh!

d^_____^b

Nagseselos si Claire!

Hinanap ng mata ko si Claire at wala na sya sa camp site.

Lumapit ako kay lolo.

"Lolo asan--"

"Tapos ka na ba maligo?"

"O-opo."

"Tara na."

Hindi ko maintindihan..

Sumunod ako kay lolo.

"Lolo hindi ba muna tayo kakain?"

"Sa restaurant tayo mag-aalmusal." Sabi ni lolo na sobrang seryoso. "Masakit ba ang sapak sayo ni Clyde? Nalagyan mo na ba ng yelo? "

"Ok na po.. Oo nga pala, bakit po nya ko sinapak? May nagawa ba ko kagabi? W-wala akong maalala.."

Nilingon ako ni lolo na nakakunot ang noo.

"Walang maalala? Ang sarap ng nangyari kagabi, sayang naman kung hindi mo maaalala."

"Masarap? Hindi ko po maalala.. Ang huling naaalala ko lang---"

"Wag ka na magsalita."

Bakit.. Anong..

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nasa tent ka na pagmulat ng mata mo?"

"Nagtataka po ako, kanina pa at sa tuwing magtatanong naman ako ay sinisiringan nyo ako or pinipilosopo."

"Wala naman kasing umamin sa kasalanang nagawa nya."

Kumunot ang noo ko at napailing..

"Kasalana--"

"Mauna ka na at itikom mo ang bibig mo!"

do_____Ob

Naiinis na ko!! Bakit ba sila galit sa akin?! Wala ba sila balak sabihin kung bakit?!

Hindi na ako nagsalita at nang makarating kami sa kotse ay sasakay na sana ako nang itinuro ni lolo ang front seat.

"Dyan ka umupo, ako na sa loob."

"Ba--"

Isinara na nya ang pinto at pumasok na ako. Nilingon ko sila at tumaas ang kilay ko nang makita ko si Claire na katabi si Clyde. That's my seat.

Si lolo naman ay tumabi kay Paulene.

Pumunta na kami sa restaurant at pagbaba namin ay naghintay na ako sa pintuan nila para kausapin sana si Claire.

Hindi pa nakakababa si Claire pero nagbabaan na sila lahat. Papasok sana ako para tignan sya pero bigla na syang lumabas at hindi manlang ako pinasadahan ng tingin.

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon