A/N:Insert sad songs mga pips. Kahit ako naiiyak habang sinusulat ko to tae HAHAHA enjoy reading!ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*
CLAIRE'S POV
NAKAUWI na kami at dumeretso ako sa kwarto ko at doon ibinuhos lahat ng luhang kanina pa nagpipigil.
Yung luha ko kanina.. Wala pa yun.
This time, hindi ako sumigaw.. Hindi ako nagwala, hindi ako nagsalita.
Just a silent cry. Ang pinaka tahimik yet masakit na paraan ng pag-iyak.
FLASHBACK
"I saw you and Paulene kissing torridly, honey." Diniinan ko ang pagsabi ng honey at nabigla sya sa sinabi ko, halos malaglag ang panga nya sa pagkakanganga. "Ngayon sabihin mo sakin, anong mas masakit? Ang hilingin kong sana si Clyde nalang ang minahal ko o yung nakita ko ang kaharutan nyo?!" Agad na lumapit si Ally at Helly samin.
"K-kissing.. Torridly?"
Natawa ako sa reaksyong pinapakita nya.
"Don't deny it! I saw you!" Nilingon ko si Paulene na nakayuko lang. Ang bait mo naman. "Hindi mo alam? O nagmamaang-maangan ka lang?" Pinunasan ko na ang luha ko at pumikit at huminga ng malalim.
Relax Claire..
"Damn.." Narinig kong sambit ni Ally.
"Kuya.. Why..""I-i don't know.." Kumunot ang noo ni Haides at nilingon si Paulene. "Paulene.."
Nag-angat ng tingin si Paulene, lumuluha.
"S-sorry.."
"Wag tayo dito mag-usap, umuwi na muna tayo." Sabi ni Ally. "Tara na,"
Kumuha kami ng taxi at sumakay na.
Walang umiimik samin, lahat kami nanatiling tahimik.
Pagdating sa tapat ng bahay ay kinapitan ako ni Haides pero inalis ko yun.
"Nandidiri ako sayo. Wag mo ko hawakan."
Tinalikuran ko na sya at umakyat na ako sa taas.
"Claire makipag usap ka muna kay Haides!" Sumunod pala sakin si Ally.
Nagpatuloy ako sa pag-akyat.
"Claire hindi maaayos to kung--"
"Ano pa bang aayusin?!" Tumigil ako sa pag-akyat at tinignan ko si Ally.
"T-tingin ko hindi talaga alam ni Haides.."
Umiling ako.
"Kailan pa umamin ang may kasalanan? Syempre mahihiya yan.."
"Not again Claire.. Listen to me"
"Im listening!"
"Mag-usap muna kayo!"
"Wala naman dapat pag-usapan."
"Wala? Wala?! Sure ka?!"
"H-hindi ko pa kaya." Nangatog ang tuhod ko at humigpit ang pagkapit ko sa hawakan sa hagdan. "Hindi ko na kaya."
Bago pa tumulo ang luha ko ay mabilis na akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...