CHAPTER 31: Friends

35 3 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*



HAIDES'S POV

             "Sure."

Nagsigawan sila at hindi ko alam kung bakit biglang naging masigla si Clyde. Kanina pa sya genyan, nangunguna pa nga mang-asar samin ni Paulene.

"So Paulene.. Ano na nga ang gusto nyong tawagan?" Tanong ni Clyde at sinulyapan ko si Claire na katabi ni Ally at lolo.

"Buddz." Nakangiting sabi ko at tiningala ako ni Paulene at nagpa-cute sya.

"Gusto ko.. Honey!"

"YYYOOOOWWWNNNN!!"

dO____Ob

Napatingin ako kay Claire at nakangiwi lang sya.

"No no, love nalang." Suhestiyon ko.

"Eh madaming love ang tawagan na mabilis naghihiwalay eh!!" Banat nung assistant ni lolo at nagsigawan na naman sila.

"Bakit? 24 hours lang naman kaya.. Mabilis talaga. " nakangiwing sabi ko at sumulyap ako kay Claire.

Damn hindi ako mapakali, nasa harap ko ang taong mahal ko habang nakayakap sakin ang taong.. Mahal ako?

Ang hirap! Alam kong nasasaktan si Claire..

"Malay mo after this magtuloy tuloy.."

Kumunot ang noo ko at nilingon si Paulene.

"It's not gonna--"

"Opps! Mag-jowa kayo.. Dapat umoo ka" sabi ni Clyde at gusto ko syang sapakin..

Take advantage huh?

"Im sleepy, lets--"

"Teka hindi mafe-feel ni Paulene na mag-jowa kayo kung tulog agad, inuman muna!" Kantyaw ng assistant ni lolo na kanina pa nakainom. "Tagay!" Inilapag nya ang limang baso na naglalaman ng alak, kay lolo at Helly juice lang.

Iniabot sakin ang baso at umiling ako.
"Come on bro!"

"Nah" sagot ko at inabot ni Paulene ang baso at iniharap nya ako sa kanya.
"Drink it honey.."

Nilingon ko si Claire na hawak hawak ang baso ng alak.

"Hey Claire, don't drink--"

"Uy.. Babe focus to me, I'm asking you.." Gusto kong itulak si Paulene dahil mas dumidikit pa sya sakin.

"Paulene umayos ka nga.. H-hindi ka naman--"

"Kasalanan ko bang magaling ako umacting?" Nakataas ang kilay na sabi nya at inilapit sakin ang baso ng alak. "Drink it babe."

"Ayoko.." Nilingon ko si Claire. "Claire don't drink!"

Nilingon ako ni Claire at nginitian.

"Just continue your workshop." Nakangising sabi nya at tinungga ang isang baso at nanlaki ang mata ko, napatayo ako at agad na inagaw ang baso sa kanya.

"Kala ko ba ok na?" Bulong ko sa kanya at hinila nya ang tenga ko at bumulong.

"Wala bang nakahalata na namamantal labi mo? Ako lang ba?"

d>>____<<b

Bahagya kong dinilaan ang namamantal na part ng pang-ibabang labi ko.

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon