CHAPTER 14: Cravings for Help

43 4 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

CLAIRE'S POV

             AKALA ko okay na..

Akala ko magkakaroon na kami ng closure..

Akala ko babalik na lahat sa dati..

Akala ko sapat na yung tapang ko para harapin sya..

Akala ko tapos na yung panunuyo ko sa kanya..

Akala ko lang pala.

Wala si Haides dito sa bahay, sabi nung kasambahay maaga daw umalis, narinig pa nga daw nyang nakipag sagutan sa lolo nya dahil gusto na pumasok.

Dahil siguro sakin.. Mali siguro na sinabi ko yun.. Akala ko kasi ok na..

d>>____<<b

Mag-isa akong kumakain dito sa kusina dahil ayoko muna may marinig na kahit anong ingay, gusto ko mapag-isa.

Gusto kong isipin kung bakit di ko narealize na ako nga hirap na hirap makalimot kay Keith noon.. Tapos umaasa ako kay Haides na ganun lang nya ko kadali mapapatawad.

"Eating alone~~"

Napatingin ako kay Clyde na gumagawa ng sarili nyang kanta.

"Do you want me to join you?"

"No, I want to be alone."

Umupo sya sa tabi ko at tumitig sakin.
"Claire wants to be alone~~"

Bahagya akong natawa.

"Pwede ba Clyde? Patawa ka eh. Doon ka nga.. Samahan mo sila Ally nanonood ng movie."

"Gusto ko dito lang, sa tabi mo."

"Korni mo."

"Im serious."

Napatingin ako kay Clyde at bahagya nya akong nginitian.

"You're korni, Im serious."

Tumayo si Clyde at lumabas.

Nagalit ba yun?

Patapos na akong kumain nang muli syang bumalik na may dalang mais.

"Im corny, meet my lil brother, corn."

Natawa ako sa ginawa nya dahil inaakto nya pa na gumagalaw yung mais.

"Saan mo naman nakuha yan?"

"Sa ref, naghanap ako."

"Effort huh?"

"Yeah, just to make you smile."

Napailing nalang ako kay Clyde at naghugas ako ng plato.

"Ay hija, ako na.."

"Ay hindi po-- Clyde ano ba!" Hinampas ko sya dahil akala ko yung kasambahay yung lumapit sakin, si Clyde lang pala at nagboses babae.

Todo tawa naman si Clyde at nag-stay sa tabi ko.

"Bakit ba kasi ang lungkot mo na naman? Uwi nalang tayo sa Pilipinas pag genyan ka sige."

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paghugas ng plato.

"Nakakabored kaya dito." Sabi nya habang nakikihugas ng pinggan. "1 month lang tayo dito ha, tandaan mo 1 month."

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon