ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*
CLAIRE'S POV
NAKATULALA lang ako dito sa loob ng tent. Gabi na, kumakain na sila at ako? Nanatili ako dito sa loob ng tent. Ayokong kumain.. Kanina pa nila ako tinatawag pero hindi ko sila pinansin.. Gusto ko lang matulog at hindi na magising.
"Claire nagdala ako ng pagkain, can I enter?"
Napapikit ako at napabuntong hininga.
Ilang luha pa ba ang kailangang pumatak para lang mawala tong sakit sa puso ko?
"Claire please.." Bulong ni Haides at hindi ko sya pinansin.
Narinig ko ang zipper ng tent na bumukas at tumagilid ako, ayoko syang makita o kausapin.. Gusto kong mapag-isa.
"Claire d-dinalhan kita ng pagkain."
"Lumubog na ang araw.. Bakit ka nandito? Baka magselos ang girlfriend mo." Sabi ko. Natutulirong sabi ko.
"Claire I love you.. Honey.."
"Itataboy ba kita ulit? Sasabihan ba kita ng masasakit na salita ulit para lang maintindihan mo na ayoko?" Shit hindi ko sya magawang tignan.
"If that's the case.. Sige. Sabihan mo na ako ng mga masasakit na salita na deserve kong marinig, just please wag mo ko ipamigay.."
"Hindi kita pinapamigay.. Ikaw ang pumili kay Paulene." Nangilid na naman ang luha ko.
"Pinili na kita ngayon."
"Piliin mo si Paulene."
"Damn! Sabing wag mo ko ipamigay!"
"Hindi ka sa akin.. Hindi ka na sakin.." Tngina.. Parang kumukurot sa puso ko..
"Sayo lang ako.." Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Haides mula sa likod at doon na tumulo ang luha ko.
Gusto ko sakin ka lang.. Kaso hindi na pwede..
"Hindi kumpleto ang kwento ni lolo. Bago pa kayo dumating, itinigil ko na ang panliligaw kay Paulene, kahit itanong mo pa sa kanya. Itinigil ko hindi dahil sayo, oo niligawan ko sya kasi akala ko once na gawin ko yun mawawala yung sakit na nararamdaman ko, na mapapalitan nya yung pagmamahal ko sayo pero Im wrong." Naramdaman ko ang mabigat na pagbuntong hininga nya. "Oo mali ako sa part na g-ginamit ko sya.. Gusto ko lang naman ng taong makakapalit sayo kasi nasaktan ako ng sobra. Kinausap ko si Paulene at sabi nya, kung hindi daw talaga mawawala yung feelings ko sayo bago pa dumating si Helly, itigil ko na ang panliligaw." Mas lumapit pa sya sakin para mayakap ako ng maayos. "H-hindi ko alam na nahulog na sya.. Nag-sorry na ako tungkol doon. Hinayaan ako ni Paulene na gamitin sya, yun ang totoo."
"Hindi pa kita maintindihan. Lumabas ka na."
Pinilit kong alisin ang kamay nya pero mas humigpit pa ito.
"Mahal kita.. Mahal kita.. Nagawa ko lang yun kasi nasaktan ako.. Pero mahal kita.. Ikaw pa din ang itinitibok nito eh.."
"Lubayan mo ko."
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi na mahal mo din ako."
Tumulo ng tumulo ang luha ko at tahimik akong umiyak.
"Umalis ka na."
"Hindi ako aalis.. Not again.."
Inaalis ko ang kamay nya nang biglang may tumawag mula sa labas.
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...