ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*
HELLY'S POV
May mga bagay kasi na hindi na dapat pinapatagal. Mga de lata nga sa bahay nyo may expiration, feelings pa kaya ng tao?
Sabi kapag nakapaghintay sya sayo ng kahit gaano katagal, mahal ka nyan. Magpapaligaw ka ng years? It's not true. Ako nga isang buwan palang sinukuan na eh.
O baka may mga umaabot nga ng years sa panliligaw, pero iilan nalang yun and sobrang swerte nung mga girls na meron nun.
Kaya naiinis ako dun sa mga nagpapaligaw ng years tapos di naman pala sasagutin after.
Simula nun mas pinili ko nalang mahalin ang mga taong hindi naman nag-eexist, kasi sila hindi nila ko nasasaktan, hindi nila ko masasaktan at kahit hindi sila nag-eexist sa totoong buhay, napaparamdam nila sakin yung kilig na hindi ko maramdaman dito sa earth.
Masama bang maging hard to get?
Actually yung ibang mga babae, kaya sila nagpapa-hard to get kasi they are afraid na masaktan, so they want to test muna if tatagal ka ba sa kanya.
"Okay lang yan Helly, madami pang lalaki sa mundo!"
Nginitian ko si ate Claire at tumayo na ko.
"Anyways! I already moved on na no!"
"Curious lang ako, hindi ba nahiya yung bestfriend mo? Grabe naman, ay sis! Genyan yung mang-aagaw, hindi yung katulad sayo." Nakataas ang kilay na sabi ni ate Ally.
"Huh? E-eh parang parehas lang eh. Si Paulene nililigawan ni Haides tapos bigla ako dumating."
"Eh yun naman, nagpagamit at planado, eto mahal talaga sya tapos biglang inagaw nung tumutulong lang naman.."
d-.-b
"Hayaan nyo na yun! They will break soon!" Sabi ko at nagtawanan sila at natawa din ako. "Just kidding."
"Pero asan na yung bestfriend mo?"
"Nasa bahay nila I guess?"
"Tangeks! I mean, magkaklase pa--"
"Ah no, nagpalitan sya ng section."
"Edi pag nagkakasalubong kayo awkward?"
Tumawa ako at umiling.
"Hindi ako, not me. Siguro sya, kapal naman nya kung ako pa mahihiya no! Alam naman nyang nagkakagusto na ko dun sa guy tapos bigla nya pang haharutin, kung totoong kaibigan sya, nung sinabi palang nung guy na 'ikaw nalang' edi sana sinabi nya na 'wag kasi gusto ka na ng kaibigan ko, hintayin mo nalang yung oo' "
"Ay ganun lang yun? Tinanong lang kung sila nalang?"
"I don't know and I don't want to know."
"Kaya pala mas gusto mo kami maging bespren huh!"
Tumawa ako at ngumiti.
"Yeah! Gusto ko mas old pero nakikisabay sakin."
"Ay sis ikaw ang nakikisabay samin no!"
"Noooo?!" Mahabang sabi ko habang nakakunot ang noo at natawa sila
"Tara na sa labas! Umiinit na dito, baka bumaho tayo!"
Nagkatinginan kami ni ate Claire at biglang sumigaw si ate Ally.
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...