CHAPTER 20: They Made It

50 2 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

HAIDES'S POV

HINDI ko alam pero tumugon ako sa halik na ibinigay sakin ni Claire.

Bigla ko nalang nakita ang sarili ko na nakayakap sa kanya at tumutugon sa bawat halik na binibigay nya.

Kung kanina nakatulala lang ako, ngayon parang nabuhusan ako ng malamig na tubig.

Humiwalay na si Claire at isinandal na naman nya ang noo nya sa dibdib ko, naririnig ko ang paghikbi nya. "Haides sorry.. Sorry.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ako makapagsalita, tila may kung anong pumipigil sakin na magsalita.

"Haides please forgive me.. Please.."

Nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw magproseso ng utak ko, inaalala ang malambot na labi ni Claire.

"Haides I want you.. I like you.. I love you.."

Maya maya pa ay nag-angat ng tingin sakin si Claire at nang magtama ang mga mata namin ay doon lang nawala ang pagkatulala ko. Tinignan ko ang kabuuan nya at umiiyak pa din sya, bahagya ko syang nginitian at hinawakan ko ang pisngi nya. Gamit ang hinlalaki ay pinunasan ko ang mga luha nya.

"Haides m-mag-eexplain ak---"

"Shh.." Bulong ko at ipinikit nya ang mata nya, dinadama ang paghimas ko sa mukha nya.

Tinignan ko ang bawat parte ng mukha nya hanggang sa mapukaw ako ng mga labi nya.

Damn.. That kiss is very.. Genuine and.. Meaningful.

Hindi ko alam kung saan sya nakakuha ng ganoong lakas ng loob para gawin yun, hindi ko din alam kung bakit sya umiiyak, madami akong gustong itanong, pero mas pinili ko ang manatili kami sa ganitong posisyon. Hawak ko sya at malapit sya sakin.. Walang salita ang makaka-describe ng nararamdaman ko ngayon, para bang sa isang halik lang, sa isang kuryenteng pinadaloy nya sa balat ko nakalimutan ko agad yung sakit nung nakaraan. Lahat ng sinabi nya na masasakit, nawala yun.. Masyadong mabilis ang pangyayari na kahit ako ay hindi iyon maipaliwanag.
Isa lang ang alam ko, mahal kita...

Dumilat na si Claire at deretso akong tinitigan..

Hindi ko maintindihan, pero parang may sinasabi sya kanina habang hinahalikan ako, para bang nag-uusap ang mga utak namin pero ako tong bobo dahil hindi ko maintindihan. Alam kong may sinasabi sya, may meaning ang halik na yun..

"Haides please piliin mo ko.."

Tumango ako at napasulyap ako sa labi nya, matunog ang naging paghinga ko bago ko sya hinalikan.. Sa noo.

"Please sabihin mong mahal mo pa ko.. Please.."

Nanatili ang mga labi ko sa noo nya habang nakapikit, hindi ko alam pero hindi ko magawang magsalita.. Masyado akong nabibigla sa mga nangyayari.

Humiwalay lang ako sa pagkakahalik sa noo nya nang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Paulene na nanlalaki ang mata, naguguluhan.

Hindi lumingon si Claire at nanatili lang syang nakatingin sa kung saan.

"H-haides ito na yung papers." Dere-deretsong sabi ni Paulene at lalabas na sana sya nang tawagin ko sya.

"Paulene"

"What?" Seryosong tanong nito.

Kumunot ang noo ko sa inakto nya. Para bang naiinis sya na ewan.

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon