CHAPTER 3: Welcome

40 6 0
                                    

CLAIRE'S POV

               AGAD na napatingin sakin si Clyde at nginitian ko sya.

"Ako nalang papaiwan---"

"No, tutulong ka sakin magbuhat ng mga gamit nyo. Tara na." Walang emosyong tugon ni Haides at parang sinapak ako sa puso nang hindi manlang nya ako hinindian.

Ang expected ko sasabihin nya na wag ako kasi delikadong mag-isa ako, kasi yun naman lagi nyang sinasabi dati, na wag ako dapat mag-isa.. Pero hindi nya yun sinabi, kahit nga konting pag-aalala wala akong nakita sa mata nya.
Sa isip ko ay napailing nalang ako.

Claire naman! Bakit ka naman nag-eexpect ng ganun? Wala na kayo Claire, hindi na kayo tulad nung dati.

"Claire ayos lang ba sayo?" tanong ni Ally at tinanguan ko sya. Di ka naman papayag na ikaw dahil natatakot ka, baka maihi ka pa sa takot dito.

d-.-b

"Bwiset, kung hindi lang natin boss yan di ko yan susun---"

"Shh, ok lang, kaya ko naman eh.." Nakangiting sagot ko at napailing nalang si Clyde habang masamang nakatingin kay Haides.

"Dito ka lang Claire ah? Itext mo ko ng itext--"

"Clyde wag ka ngang praning, pumasok ka na dun." Nakangiting tugon ko at hinuhuli nya ako sa pamamagitan ng mga nanlilisik nyang mga mata.

"Sure ka ok ka lang dito?"

"Sure na sure." Nakangiting sabi ko at itinulak ko na sya papasok sa kotse. "Ingat kayo."

Pag-alis nila ay napabuntong hininga ako at pumunta ako sa gilid at doon umupo.

Ibang iba na si Haides at hindi ko alam kung tama bang sisihin ko ang sarili ko.

Pero may isa pa akong kinakatakot..

Ang pagbalik nya.. Paano kung hindi sya bumalik? Paano kung hindi nya ako balikan dito?

Nagsimula na akong kabahan sa naisip ko. Ayon kasi sa tingin nya sakin at pakikitungo nya ay para bang wala syang pake at wala na balak bumalik pa, dahil ako naman ang naiwan.

Ilang minuto na ang nakakalipas at wala pa din sya. Napatingin ako sa relo ko at mag-iisang oras na ako dito..
Itetext ko si Clyde.

Kinuha ko ang phone ko at nang buksan ko ito ay ayaw na magbukas.

*LUNOK*

Sht lowbat.

d>>____<<b

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na babalikan pa ako ni Haides.

BOOOOOOSSSHHHHH

dO_____Ob

Agad akong napayuko nang may marinig akong bumagsak sa kung saan.

Inilibot ko ang mata ko at nanatili akong alerto sa mga nangyayari.

Haides asan ka na ba..

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong mga kalalakihan na sigang naglalakad sa parking.

Mga empleyado ba yan dito? Paano sila nakapasok? Mukhang hindi sila taga-rito.

Napapalunok ako sa bawat hakbang nila, tinignan ko ang sarili ko at naka trouser naman ako at naka T-shirt.

d>>_<<b

Nakayuko ako at mabilis akong humanap ng malapit na kotse na pwedeng taguan at nang makakita ako ay nakayuko akong pumunta doon.. Mabagal.. Pero.. Sigurado..

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon