CHAPTER 19: A Kiss

40 3 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

CLAIRE'S POV

Akala ko tapos na.. Pero nagsalita pa sya.

"Kung ako ang papapiliin ng magiging asawa ng apo ko, I will rather choose Paulene than you." Hindi ako sumagot, I deserve his words.. I deserve it. "Yes Paulene is not rich like us, but Paulene can make Haides happy.. All the time. Siguro nag-away na sila, pero hindi nya napaiyak ang apo ko, hindi nya nasaktan ng sobra tulad ng ginawa mo." I cleared my throat dahil ang sakit sa lalamunan habang pinipigilan ko ang luha ko. "Haides told me everything, from the day you met each other, until the day that you said good bye." Nag-angat na ako ng tingin at bahagya kong sinulyapan si mr. Ronzfort at nakatulala lang ito sa ballpen na nilalaro nya. "You hurt my favorite grand son and you know what? Naka-move on na sya. Kaso pumunta ka pa dito." Bahagya syang natawa. "Hindi ako sanay na ganun ang apo ko, dahil sya ay isang palangiting bata na pinaka nagustuhan ko sa kanya. Now he cannot smile the way he smiled before, kung ngingiti man sya ng totoo, bibihira na lang. Hindi tulad dati na kada magkikita kami, totoo at malaking ngiti ang pinapakita nya sakin."

"S-sorry.."

"You hurt him tapos sorry lang? Mababawi ba nun ang mga masasakit na salita na binitawan mo noon?"

"Nasaktan din naman po ako." Sa wakas ay nahugot ko na ang huling lakas ng loob na meron ako. "Nung sinabi ko ang mga salitang yun, parang nag suicide na din ako." Natatawang tugon ko. "A-ayoko po sana sya saktan, k-kaso anong rason ang sasabihin ko para layuan nya ko? I want him to stay away from me, kasi ayoko pong madagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko from the past and.. I-im too weak and afraid at that time." Doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Kahit itanong nyo pa po kila Clyde, nakita po nila kung paano ako nahirapan na walang Haides na ngumingiti sakin sa loob ng 3 years." Pinahinahon ko ang sarili ko. "May letter po na iniwan sakin si Haides, dahil sa letter na yun, napag-desisyunan ko na baguhin ang sarili ko, for good. Na magiging matapang na ako, na magiging malakas na ang loob ko at ang tinuro ng apo nyo sa akin.. Leave the past and live in the present." Sabi ko. "Kaya nandito ako ngayon, gusto kong patunayan na hindi ko na hahayaang lamunin ako ng takot ng nakaraan." Matapang na tugon ko. "Handa na akong harapin at ipaglaban ang nararamdaman ko para sa apo nyo."

"Mahal mo ba sya?"

Ngumiti ako.

"Sobrang mahal po, hindi naman po ako pupunta dito kung hindi ko sya gusto." Napaiwas ako ng tingin.

"Tigilan mo na ang paghabol sa apo ko, ipapakasal ko na sya kay Paulene."

dO_____Ob

Agad kong sinalubong ang mata ni mr. Ronzfort at seryoso ang mukha nya.

"H-hindi po gusto ni Haides si--"

"Paano mo nasabi? Porket ba walang relasyon eh hindi na sya nagkakaroon ng pagtingin kay Paulene?"

Napamaang ako at hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng matandang to.

"P-pero--"

"Pinatawag kita kasi gusto ko sabihin na.. Invited ka sa kasal nila." Pagkasabi nya nun ay iniabot nya sa akin ang isang sobre na puti na naglalaman ng isang papel na ayokong makita o mabasa.

Wag ka iiyak Claire.. Wag ngayon.

Mapait akong ngumiti.

"Sir nasaktan ko po ang apo nyo, pero pangako, yun na ang huling beses na iiyak sya dahil saki---"

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon