CHAPTER 24: Last Wish

43 3 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

HAIDES'S POV

TAPOS ko na ayusin ang mga gamit ko, naipasok ko na ang mga ito sa loob, di ko na binalandra dahil 3 days lang naman kami dito.

Hihiga na sana ako para saglit na magpahinga nang ilagay ni Clyde ang pahaba nyang bag sa hihigaan ko, kaya nauntog ako sa bag nya. Agad akong napaupo.

"Aray.." Bulong ko at sinamaan ko si Clyde.

"Di ko sadya."

"Hindi pa ba?"

Pinasadahan ako ng tingin ni Clyde at maangas ako nitong tinignan.

"Mukha ba kong nananakit?"

I sarcastically smiled.

"You want me to answer that question?"

"Hindi ko sinadya yon. Kung sasaktan man kita, gusto ko aware ka."

Mukhang may guguhong tent mamaya.

"Nakita mo namang hihiga ako diba?"

"Bago ka humiga nailagay ko na yan dyan, maliit lang ang tent natin, saktong sakto lang satin kaya wag kang aangal kung kalat-kalat ang mga gamit."

"Look at my things, it's all good and organised."

"It's your things, not mine."

naging matunog ang paghinga ko ng malalim, nagpipigil ng galit.

"Gusto ko lang sabihin na kung kaya kong ayusin ang akin, kaya mo din ayusin ang sayo."

"Kung aayusin ko sa ayos na gusto mo, paano ako makakatulog? Nakabaluktot? Tss."

"Nakatayo."

"Aba--" umaktong lalapit sakin si Clyde at pumosisyon naman ako pero agad kaming napatingin sa nagbukas ng zipper ng tent.

"Hey, katabi lang ng tent nyo ang tent namin ni mr. Ronzfort, wag nyo na daw hintayin na sya pa ang magpatahimik sa inyo."

Nagkatinginan kami ng matalim ni Clyde at umayos na kami ng upo, humiga na ako at humiga na din si Clyde-- malayo sakin.

Umalis na yung assistant ni lolo.

Nang mapansin ko ang woki toki ay napangiti ako at kinuha ito.

Binuksan ko ito at nagsalita ako.

"Hello?" Nakangiting usal ko pero wala akong narinig na kahit ano. Naka on ba woki toki nya? "Hey.. Honey.."

"Hmm."

do____Ob

Napalingon ako kay Clyde na nakatalikod sakin ngayon.

What's with that heavy sigh?

"Claire?"

Nang may marinig na akong ingay mula sa kabila ay tumalikod na rin ako kay Clyde at pabulong nalang ang naging pagsasalita ko.

"Uy Claire labas ka.. I want to talk to you." Nakangiting usal ko at alam kong kahit hindi ako nakikita ni Clairw ay alam kong alam nya na nakangiti ako.

"Sige." Yun lang ang isinagot nya kaya umupo na ako at inihagis ko sa parte ni Clyde ang woki toki. "Baka mabaliw ka kasi wala kang kausap, gamitin mo yan.. Siguro namang iiwan ni Claire ang woki toki nya sa tent, usap kayo ni Paulene." Nakangising usal ko kahit hindi ako nililingon ni Clyde.

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon