CHAPTER 59: Stuff Toy

39 4 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

CLAIRE'S POV

11:00pm na at hindi pa ako natutulog, hinihintay ko si Haides na dumating, kanina pa sya wala.. Simula nung umalis sya di ko pa sya nakikita. Pabalik balik na ako sa kwarto nya pero wala pa din, ano na kaya nangyari dun?

Naisipan kong mag-phone muna at aliwin ang sarili habang hinihintay sya.. Bukas na ang araw na ikakasal sya.. Ngayon na ang huling gabi, na makakasama ko sya..

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at pinilit alisin sa utak ko ang isipin na ganun.

Bakit napaka malas ko pagdating sa love? Sumpa ba to? Kasalanan ko ba? Nagkulang na naman ba ako?

d>>___<<b

Nasasaktan ako.. Pero wala akong magawa kundi ang damdamin ang sakit.

Bakit hindi pwedeng kami nalang?

Maisip ko palang kung paano sila magkikita sa altar ni Paulene ay hindi ko na kaya, paano pa kaya kung dadalo ako sa kasal nila? Baka bigla akong maging luha.

Hindi ko pa din maintindihan hanggang ngayon kung bakit hindi ako ang magiging asawa nya.. Kung bakit ayaw sakin ni mr. Ronzfort eh ang bait na nga nya sakin at close na kami.

Bakit hindi nagbago ang isip nya?

*toktoktok*

"Haides!" Mabilis akong tumayo at pagbukas ko ng pinto ay napanganga ako nang makita ang stuff toy na hawak nya.. Yun yung stuff toy na gusto kong bilhin nung nag mall kami!! "Wow.." Tinignan ko si Haides at napakalaki ng ngiti nya, pero pawis na pawis sya at halatang pagod sya. "N-naalala mo pa pala to?"

"Of course. Nakita ko kung paano ka nalungkot nung hindi mo to nakuha."

"Halaaaa thank you!" Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. "Pasok ka," pinapasok ko sya sa kwarto ko at pinaupo sa sofa. Char, di ko kwarto ko, nakikikwarto lang pala hehe. "Parang ang layo ng nilakbay mo ah?"

Bumuntong hininga sya at inikot ang leeg nya. "Ang hirap humanap ng kapareho nung nakita mo dun sa mall. Laging out of stock."

"Tignan mo naman kasi, parang aso talaga.. Di nga lang gumagalaw, pero ang ganda!" Tumabi ako sa kanya at inilapit ko sa kanya yung stuff toy. "Papangalanan ko tong Haides."

Napatigil sya sa pag-ikot ng ulo at tinignan ako.

"Mukha ba akong aso?"

"Hindi! Pinangalan ko lang sayo para kapag malungkot ako, yayakapin ko to tapos maaalala kita."

"That's my last gift for you na boyfriend mo pa ako.." Agad nawala ang ngiti sa mga labi ko at napasandal ako sa couch. "Bukas hindi mo na ako boyfriend."

Tumayo na ako at nginitian nya ako.

"Matutulog na ko, ikaw ba?" Hindi ako tumingin sa kanya nang sabihin ko yan dahil maiiyak lang ako.

Bakit nya ba sinasabi pa ang mga bagay na yun.. Alam ko naman.

"Actually binigay ko lang talaga yan sayo.. Then pupunta na ko sa bahay ni lolo, dun ako matutulog."

Sobrang bigat ng paghinga ko at tumalikod na ako sa kanya, doon na tumulo ang mga luha ko. Tinitigan ko ang stuff toy na hawak ko.

"Endy ang pangalan nyan ha?"

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon