HAIDES'S POV
PAGDATING ko sa parking kung saan ko iniwan si Claire ay may mga lalaking nagkukumpulan..
Binuksan ko ang bintana at nagtanong sa kanila.
"Hey, can I ask something? Did you saw a girl with a plane white shirt and black pants?" Tanong ko at ngumisi ang isa at tumingin sya sa kaibigan nya.
I smell something..
"She went there." Sabi nung isa at tinanguan ko lang sila at pinark na ang kotse ko, patakbo kong pinuntahan si Claire at kahit ilang dipa pa ang layo nya, kahit madilim dito ay kita ko sya. Bakit sya nakaupo sa sahig?
Inayos ko ang sarili ko at normal na naglakad. Paglapit ko sa kanya ay nakayuko sya.
"Let's go." Malamig na sabi ko at bigla syang tumayo at hindi manlang ako tinignan. Teka.. Umiyak ba sya?
Napailing nalang ako, hindi pa din sya nagbago, takot pa din sya.
*SIGH*
Pagdating namin sa tapat ng kotse ko ay wala na yung mga lalaki. Papagbuksan ko sana si Claire pero sya na mismo ang pumasok, pinilit nyang buksan ang back seat kaso naka-lock yun. Kaya doon sya pumasok sa front.
Pagpasok ko ay hindi sya umimik at ganun din ako.
Pinaandar ko na ang kotse.
Habang nasa byahe ay walang nagtangkang magsalita, nakatanaw lang si Claire sa labas ng bintana at nang kukuhain ko sana yung bottle of water sa gilid ko ay napadikit ang kamay ko sa kanya at kumunot ang noo ko nang maramdaman ko itong nanginginig.
Pagdating sa tapat ng bahay ay agad na syang lumabas at dahil maliwanag na ay mas nakita ko ang kabuuan nya, pawis na pawis sya at namumula ang pisngi nya. Nangangatog din ang tuhod nya dahilan para mahirapan syang umakyat sa hagdan.
Aalalayan ko sana sya nang biglang lumabas si Clyde at ito ang nag-alalay sa kanya, hindi ko na sila pinansin at dumeretso na ako sa loob.
Pagpasok ko ay nakita ko sila Helly at Ally na nanonood ng movie.
"Helly mamaya na yan, punta na kayo sa dining area kakain na tayo."
"Wait lang kuya, nasa intense part na kami eh, ayan oh! Hinahabol na nung mga lalaki yung babae.."
Sinulyapan ko ang pinapanood nila at
"WAHHHH! TAKBO!!! SIGE!! HALA MAHAHABOL KA NA!! BILISAN MO!!"
d-_-#b
"Sunod na kayo sa dining area, asan si Paulene?" Tanong ko kay Helly at nagkibit balikat lang sya..
Kapag talaga may pinapanood to hindi makausap eh.
Umakyat ako sa taas para silipin si Paulene, nakapag palit na din naman ako ng damit kanina.
Kumatok ako sa pinto nya at mabilis itong lumabas.
"Andyan na sila?" Nakangiti nitong tanong at tumango ako. Sabay kaming bumaba.
Pagbaba namin ay wala na sila sa sala kaya dumeretso na kami ni Paulene sa dining area.
Pagpasok namin doon ay napakatahimik nila.
"Eto maam oh.." Iniabot ng kasambahay namin ang isang ice bag kay Claire pero nabitawan ito ni Claire kaya si Clyde ang kumuha.
Anong meron?
"Budds anong nangyari?"
"Hindi ko alam." Sagot ko at umupo na kami ni Paulene, sobrang tahimik namin, tanging si Clyde lang ang kumikilos, si Helly nakatingin kay Claire at ganun din si Ally.
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...