CHAPTER 50: View

31 2 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

HAIDES'S POV

         . .    HINDI ako nakapagsalita.

"Hannah is my first love.. High school palang kami, nagmamahalan na kami. She is my first and my last love Haides." Pinunasan nito ang mga luha. "Masaya kami.. Sobra. Kaso dumating na yung kinakatakot ko. Unti-unti na nalulugi ang kompanya ng lolo mo kaya kailangan na nito ng suporta." Nagtuloy pa sya sa pag-kwento at iniintindi ko ang bawat sinasabi nya. "Lumapit si lolo sa kompanya ng mommy mo at gusto nito makipag business partner, pero gusto ako ng mommy mo.. Kaya ang isang paraan lang para maisalba ang kompanya ay ipakasal ako sa mommy mo." Naramdaman ko ang lungkot ni dad sa pagkukwento. "Binalak namin mag-tanan ni Hannah.. Pero huli na. Biglaan kaming pinakasal at.. Wala akong nagawa.. Si Hannah na ang lumayo dahil alam nyang wala syang laban.. Mahirap lang si Hannah noon." Napailing sya. "Hindi ko gustong sisihin ang mommy mo pero.. Naudlot ang pagmamahalan namin ni Hannah.. Ipinakasal ako ni dad sa taong hindi ko naman gusto." Sinikap nyang tumawa, pero nabigo sya. "Hihiwalayan ko na sana ang mommy mo pero masyado syang sigurista. Pinilit nya ako na gumawa na kami ng baby dahil siguro naisip nyang baka pag may anak na kami, ay mahalin ko na din sya pero.." Umiling sya. "Walang nagbago, puro puot ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon.. Nang lumabas ka na, mas minahal kita kaysa sa mom mo. Nakalimutan ko din na mahal ko si Hannah.. Basta sayo ko itinuon lahat ng atensyon ko. Pero muling dumating si Hannah, mas mayaman ay may patutunayan na. Doon na ako nagsimulang.. Mag-cheat sa mommy mo."

Fvck..

"Galit na galit ako kay dad at nawala lang ang galit na yun nang muling bumalik si Hannah.. Ginamit nya ako Haides, ginamit ako ng lolo mo. Haides maniwala ka, nung bata ka sobrang inalagaan kita.. Kaso nung nagkaisip ka na, unti-unti na akong napalayo sayo dahil tinambakan ako ng lolo ng mga business, nililibang nya ako sa ganon para hindi ko balikan si Hannah.. Naaabutan kita gabi na at mahimbing na natutulog." Nangilid ang mga luha ko. "Alam kong narinig mo ang mga away namin ng mom mo.. Oo hindi nya nalaman na bumalik na si Hannah dahil kapag nalaman nya, siguradong babalik tayo dito sa U.S.A, alam nyang nagmamahalan kami ni Hannah pero naging selfish ang mom mo.." Ilang segundo sya nanahimik. "To make the story short.. I just want to fight Hannah and my relationship.. But I have no power.. Hindi ko naisip na kasalanan ang pagkakaroon ng relasyon kay Hannah habang asawa ko ang mom mo."

"P-paano ka naging ok.. Ngayon?"

"Acceptance.. Nung nawala ang mommy mo, Haides nasaktan ako maniwala ka.. Ikaw ang unang pumasok sa utak ko."

"Dad.." Oo nasaktan ako nang sabihin nyang hindi nya mahal si mom.. Pero..
Nangyayari na naman ang nangyari noon.. Ipapakasal ako ni lolo sa taong hindi ko naman gusto.

Hindi ko alam na all this time, nagmahal lang si dad ng totoo..

Hindi ko sya inintindi.. Masyado ako naging sarado pagdating sa kanya..

"Lolo is planning to marry me with Paulene, hindi ko sya gust--"

"I know.."

"Daddy help me.." Halos mangiyak ako, lumapit ako sa kanya at tumayo sya. "I don't want to repeat your story.."

"Thank you Haides for understanding me.. Sorry kung.. Inakala mong hindi kita mahal, anak kung meron man akong pinaka minamahal dito, ikaw yun at si Helly.." Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.. "Hindi ko hahayaang matuloy ang kasal nyo ni Paulene.. I will help you anak.. Gusto kong bumawi.. Pagpasensyahan mo na ako.. Nabalot ako ng galit at puot."

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon