CHAPTER 51: Videoke sa dagat

34 3 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*



CLYDE'S POV

PAGKAGISING ko ay nagulat ako nang makita si Claire na nakayakap kay Haides.

dO______Ob

"Grabe! Buti hindi ako nagising nung may ginawa kayo kagabi!" Nagulat na sigaw ko at wala akong naramdaman na selos.. Hindi ko alam kung bakit pero mas lamang ang gulat at tuwa. "Ninong ako!"

Dumilat si Haides at nagulat din sya nang makita si Claire sa tabi nya.

"Honey.." Tawag ni Haides kay Claire at dumilat naman si Claire at mabilis na lumayo kay Haides.

"S-sorry.."

"Nako Claire.. Anong ginawa mo kay--aray!" Binato ako ng unan ni Haides.

"Ginawa?! Wala ah! N-nakatulog lang ako sa tabi nya.. Sobrang inaantok na kasi ako kagabi."

"Eh bakit ka kasi nandito? Tsaka diba si tito Robert ang kasama namin?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"S-si tito Robert nasa kwarto ng daddy nya at ako muna pinatulog dito. Di kasi ako makatulog dahil kay Ally at Helly.. Masyadong maiingay.."

"Sino ba kasama ni Paulene?" Tanong ko.

"Nandun din sya.. Apat kami dun, di ko nga alam pano yun nakatulog. Buti nga di sya ginulo nung dalawa, ako inuga pa kama ko, basta ginugulo ako!" Inis na tugon ni Claire at natawa kami ni Haides

"Kawawa ka naman pala." Sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni Claire.

Biglang pumunta sa cr si Claire kaya tinignan ko si Haides na parang tangang nakangiti.

d-.-b

"Ngiting ngiti ah."

"Ganda kasi ng gising ko eh."

"Halata nga," nag-ayos lang ako saglit at lumabas na. "Ayan kayong dalawa nalang ni Claire, gawa na kayo miracle."

"After kasal."

Tinawanan ko lang sya at lumabas na ako.

Saktong paglabas ko ay nakasalubong ko si Paulene.

"Good morning" sabay na bati namin.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ko at bumuntong hininga sya at nagkibit balikat.

"If you're there, you'll understand." Natatawang tugon nito at sasakay na sana sya sa elevator nang lingunin ulit ako. "Where's Claire?"

"Nandun sa kwarto namin."

"Oh.. Sana pala ay sumama na ako sa kanya, parehas kaming ginulo ng dalawa." May halong pagka-irita sa tono nya.

"Sabi ni Claire buti ka nga daw hindi ginulo eh."

Namilog ang mata nya na ikinatawa ko.

"After nya umalis, ako ang pinuntirya ng dalawa no!"

"Oh relax.." Sabi ko at lumapit na ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa elevator. "Grabe naman si Ally at Helly."

"Niyayaya ako mag-overnight eh madaling araw na."

"Ah so kapag overnight kailangan hanggang 11:59pm lang? Ganon?"

"Yeah.." Alanganing sagot nito kaya natawa kami pareho.

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon