ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*
CLYDE'S POV
NANDITO ako ngayon sa kwarto at inaasikaso ang mga nangyayari sa kompanya sa Pilipinas.
Mukhang kailangan na naming bumalik sa Pinas talaga.. Masyadong mahirap kapag ganito.
Napapailing nalang ako, but when I think about Claire, my perspective is suddenly changing. Nagiging relax ako at panatag.
Para mawala ang pagka-stress ko ay naisipan kong sumilip mula sa bintana, na tanaw ang pool pati na rin ang likod ng bahay ni Haides.
Pagsilip ko dun ay napasinghap nalang ako ng hangin. Gabi na pala..
Hindi ko napansin ang oras.
Bababa na sana ako para kumain nang madaanan ng mga mata ko ang babaeng nakaupo sa tabi ng pool, nakalublob ang paa nya habang nakaupo sya sa gilid.
Tapos na ba kumain? Bakit nandun sya?
Sinara ko ang laptop ko at bumaba na, pagkababa ko ay naabutan ko silang kumakain.
"Di nyo manlang ako tinawag" kunwaring nagtatampo na sabi ko.
"Eh kasi nung tinawag ka namin kanina gigil na gigil ka eh, kaya di ka na namin tinawag baka magalit ka ulit." Sabi ni Ally at napailing nalang ako.
Umupo na ako sa tabi ni Claire at nanibago ako nang ngitian nya ako, isang malaking ngiti.
"So happy huh?"
"Sobra." Bulong nito sakin at napasinghal ako.
Habang kumakain kami ay napansin ko si Haides na nakatitig kay Claire.
"Baka matunaw yung yelo sa juice mo Ally." Sabi ko at napatingin sakin si Haides at kumain na ulit.
"Huh? Wala namang yelo sa baso ko."
dO____Ob
"N-natunaw na nga.." Wala palang yelo..
d>___<b
"Why are you happy?" Tanong ko kay Claire at ngumiti ito tsaka tumingin kay Haides.
Shit.. I think I already knew the answer.
"We.."
"Ahh! Teka lang ah? Naiwan ko pala laptop ko na nakabukas, saglit lang."
Mabilis akong tumayo at umalis sa lugar na iyon. Huminga ako ng malalim at dahan dahan itong ibinuga. Bakit ba natatakot akong marinig na ok na sila?
Ang mga ngitian nila.. Nakakapanibago.. O mas magandang sabihin na bumabalik na.
d>>___<<b
Kumuyom ang kamao ko. Bakit parang nagsisisi ako na sinama ko pa dito si Claire? Diba ito nga ang gusto ko? Ang tulungan sya..
Tanggap ko na to no nung una.. Bakit nagkakaganito na naman ako.. Dahil ba tingin ko nagkakaroon na ako ng pag-asa kay Claire?
Naging mabigat ang bawat hakbang ko at imbis na pumunta sa taas ay pumunta ako sa likod ng bahay nila Haides, sa pool.
Saktong pagdating ko dun ay naabutan ko si Paulene na lumusong na sa tubig. Hindi ko alam pero pinagmasdan ko syang lumangoy hanggang sa makarating na sya sa dulo, pag-ahon nya ay nagulat sya nang magtama ang mga mata namin. Mabilis syang nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...