ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUE SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*
CLYDE'S POV
PUMUNTA na ako sa taas dahil ang tagal bumaba ng dalawang babae. Buti nalang nakasalubong ko na sila sa hagdan palang.
"Ally nainform ka ba? Jogging pupuntahan natin hindi fashion show." Nang-aasar na tugon ko at tinaasan nya ako ng kilay.
"Hindi ka lang talaga marunong pumorma, boss." Madiing tugon nya sa boss at inalalayan ko nalang sila bumaba.
"Hey guys! Hurry up!" Sigaw ni Helly kaya nagmadali na kami.
Pagbaba namin ay sinabayan na ni Ally si Helly.
"Wow ate Ally, sobrang galing mo pumorma, you can be an artist" ngiti ni Helly at sumingit ako.
"Make up artist." Tumatawang singit ko at inirapan lang ako ni Ally at lumabas na kami. Nilingon ko si Claire na tahimik ngayon. "Claire, ayos ka pa?"
Nginitian nya lang ako kaya inakbayan ko sya.
"Hey.. Stop thinking about him, ayan na oh, nasa harap mo lang."
"Yun na nga eh, nasa harap ko lang pero parang mas lumayo ako sa kanya." Mapait na sabi nya.
"Siguro hindi pa ngayon yung tamang time para makapag---"
*ringgg ringgg ringgg*
"Wait lang.." Kinuha ko ang phone ko at agad na sinagot. "Hello?"
"Boss, may problema.. Yung isang client gusto kayo ang kausap."
"Hindi ka ba nanonood ng movie? Alam mo yung movie ni Toni Gonzaga at Coco Martin? Yung You're My Boss ba yun?" Seryosong tugon ko at narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ng vice president.
"Sir hindi to biro--"
Bahagya akong lumayo sa kanila at tsaka ito kinausap.
"Am I joking?"
"Sir kilala ka ng client."
"Pwes sabihin mo, kilala ko din sya, kung hindi sya makikipag usap sa marketing executive na itinalaga ko na kumausap sa mga kleyente, pwes hindi sya kawalan. Tayo ang kawalan nya, make him realize about that. Sobrang baba na ng alok natin sa kanya, tayo lang ang kompanyang pumayag sa gusto nya kaya wag nya ko subukan dahil hindi sya kawalan." Madiing tugon ko at tsaka ito pinatayan.
Makulit ang isang kleyenteng iyon, isa pang kulit nya tatapusin ko ang koneksyon naming dalawa.
Huminga ako ng malalim bago tumakbo dahil ang layo na nila.
"Magsalita ka naman kuya.."
"Wala akong dapat sabihin Helly."
Napatingin ako kay Claire na nahuhuli sa pagtakbo.
"Anong meron?" Tanong ko kay Claire at nagkibit balikat lang sya.
"Eh ikaw? Anong meron?"
"Yung isang kleyenteng tumawag sakin nung nasa byahe tayo papunta dito, yun yung kleyenteng nangungulit na gusto ako ang kausap."
"Syempre ikaw mauuto nya eh." Deretsong tugon ni Claire at nabigla ako.
"Anong m-mauuto?"
Tumawa si Claire kaya napatingin silang lahat kay Claire at maski si Haides ay hindi nakatakas sa paningin ko na medyo lumingon.
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...