Dra. Soleil Valencerina, Neurosurgeon
Ngumiti ako habang tinitignan ang nameplate ko. Hinaplos ko 'yun na para bang 'yun ang pinakamahalang bagay na pagmamay-ari ko. May napatunayan na ako konting kembot na lang talaga pwede na ulit akong lumandi. Charot.
"Dra. Valencerina, tawag na po kayo sa meeting hall", isang nurse ang tumawag sakin.
Habang naglalakad ako sa hospital corridors na parang naging tahanan ko na rin ng halos isang dekada, sa unang pagkakataon ay naramdaman kong kagalang-galang ako. Maraming pasyente ang bumabati sakin na siyang hinahandugan ko na lang ng tipid na ngiti.
"Hi ate doctora!" bati ng mga batang nadadaanan ko. Nginingitian ko lang rin sila at kinakawayan. Ano ba 'to para namang nasa runway ako charot.
Pagpasok ko sa meeting hall, puro nakaputing roba ang sumalubong sakin kasama ang iba pang health worker ng ospital. Dati pangarap ko lang na makapagsuot ng puting roba at ang pagsabit ng isang stethoscope sa leeg.
"Good morning Dra. SV", bati ni Cianyx, cardiologist at highschool classmate ko noon. SV, shortcut ng pangalan ko kasi ang haba raw ng apelyido ko.
"Good morning din", nginitian ko siya. "May ideya ka ba kung tungkol saan ang meeting ngayon? Hindi kasi ako nagbasa ng agenda", napakamot ako sa batok.
"Magkakaroon ata ng promotions," Aniya.
"Mga nurse at doctor ang mga mapro-promote", tinabihan kami ni Czarlotte, barkada ko na pediatrician din dito sa PGH.
"Inom tayo mamaya", pag-aaya ko.
"Pass. May date ako", umiling si Cianyx.
"11 naman ng gabi e. Sige na, namiss kong magbar hopping", ngumisi ako.
"Napuntahan mo na lahat ng bars dito sa Manila Soleil. Awat na!" mahina akong pinalo ni Czarlotte.
"Oo nga't napuntahan ko na lahat pero masisisi niyo ba ako? Hello bente otso na ako pero wala pa akong jowa!" umirap ako.
"Baka kasi wala sa bar or clubs 'yung para sa'yo. Magpray ka na baka tatanda kang dalaga", tinawanan ako ni Cianyx.
"Yung MD na siya pero mukhang may ibang MD pa siyang makukuha. Matandang dalaga", naghigh five silang dalawa.
"Pauso kayo!", binatukan ko silang dalawa.
Provided ang lunch. Kaya gustong-gusto ko ng meetings e, nakakalibre ako sa pagkain. I'm currently on my 2nd year residency at may tatlo hanggang apat na taon pa para ganap akong matawag na neurosurgeon. I'll be assisting a senior doctor para sa scheduled operation mamayang ala una ng hapon kaya pinag-aralan ko ulit ang processes at ang mga posibleng mangyari mamaya. Buhay kasi ang nakataya kaya dapat laging maingat sa pagoopera.
Papunta ako sa changing room para magbihis para sa operasyon ng harangin ako ng isang lalaki. Hanggang balikat lang ako kaya naman tumama ang ulo ko sa dibdib niya. Hihingi na sana ako ng tawa nang magsalita siya.
"Watch where you're going kasi. Nakatsansing ka tuloy sakin", nilagpasan niya ako.
Aba punyeta! Tsansing? Kung tumabi kaya siya sa daanan edi sana hindi ko siya nabangga. Kinalma ko ang sarili at nagbilang mula 1 hanggang 10. Nyeta nakakagigil! Tumingin ako sa wrist watch ko. 30 minutes left para makapaghanda kaya nagmadali na ako.
Thank God naging successful naman ang operation and the team commended me. Tinuturing nila ako bilang isa sa mga batang doktor na sobrang may potential. Lagi nila akong pinupuri tuwing successful ang operation.
Nangalay ang balikat ko sa halos limang oras na operation kaya nagpahangin muna ako at isinandal ko ang sarili sa railings. Tahimik lang akong nagsscroll sa feed ng Instagram ko nang may narinig akong tumikhim.
"Tapos na ba ang duty mo doctora?" 'yung lalaking nabunggo ko kanina ang nagsalita. Sinulyapan ko siya na naka-upo siya sa hospital bench malapit sa railings kung saan ako nakasandal.
"May isa pa po akong ooperahan mamaya", magalang kong sagot kasi mukha siyang mas matanda sakin tsaka extra respect pa sa good grooming niya at maayos na suit and tie.
"Sorry kanina, I didn't mean to annoy you", Aniya.
Tumayo siya at nilapitan ako. He then gave me a candy. Monami, favorite ko 'to. Wala sa sarili akong napangiti.
"You should smile often, it suits you. I'll go now doctora. I'll see you again", paalam niya.
Inirapan ko siya kaya napakamot naman siya sa batok niya bago tuluyang umalis. Naiwan ako roong nakatingin sa candy na binigay niya. Dapat nagkicringe na ako ngayon kasi sweet 'yung ginawa niya pero ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang mga paru-paro. My heart slowly beat from its original pace to a faster one. Puta ano 'yun nalove at first sight ako?
Para akong teenager na kinikilig habang naglalakad papuntang canteen ng hospital. I was extra energetic at lahat ng madaanan ko ay binibigyan ko ng malaking ngiti hindi tulad kaninang umaga na tipid lang.
Kailangan kong malaman kung sino ang lalaking 'yun at kung paano niya nagawa sa sistema ko ang nararamdaman ko ngayon na para bang first time kong kiligin. In any possible way, aalamin ko ang pangalan niya.
Nang magpapalit na ako para sa next operation, kinapa ko ang bulsa ng robe ko. Nandun pa 'yung candy wrapper at itatapon ko na sana nang mapansing may maliit na papel na nakarolyo at nakadikit sa wrapper.
Atty. Rehan Meneses is ready to defend you doctora.
-----------------------------------------------------------
Votes and comments are highly appreciated QuoTas!
Lovelots!
- 💛

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...