Ang huling buong isang linggo namin ay para sa practice for Moving Up. Yung issue naming ni Linhay ay medyo naayos na, slight. Hindi ko napigilang maiyak habang kumakanta kami ng Moving Up song kahit hindi naman 'yun ganun kaemosyonal."Congratulations sa atin!" sigaw ng buong klase nang magpicture kami sa stage.
Syempre hindi rin nakalimutan ng buong barkada na magpicture. Noella, Mia, Kylie, Mariah, Shantal, Flaire, Lianna, Shayne, Amethyst, Czarlotte at ako, Soleil.
Nabuo ang barkada namin noong grade 8 at noong grade 7 ay may kani-kaniyang squad na rin. Since elementary ko pa kabigan sila Shantal, Lianna at Flaire pero si Noella ang naging bestfriend ko kasi sobrang swak namin sa isa't-isa. Mag-iiba na talaga next year kasi walo na lang kaming matitira kasi sila Shantal, Flaire at Amethyst ay sa ibang school na mag-aaral.
"Cheers mga echosera!" sigaw naming magbabarkada.
May nagpop na notification habang nagbabasa ako ng novel sa phone.
ruelbarrozo started following you.
Ruel? Hindi ba 'yun 'yung lalaking naka-M.U ni Amethyst? Tinignan ko ang IG aacount niya at natagpuan ko na lang ang sarili na namamangha sa kagwapuhan ng lalaki. Bakit parang hindi naman siya ganito kagwapo nung naging partner kami last year para mag-introduce ng TLE teachers para sa celebration ng Teachers Day? Nagchat ako sa gc namin.
Ako: Ang pogi pala ni Ruel
Agad silang nagseen at nagreply sa akin.
Shantal: Luh Amethyst oh
Kylie: Hoy crush ko 'yan!
Ako: pwedeng maki-share?
Kylie: Chos lang! sige iyo na siya HAHAHAHAHA
Lianna: Luh parang pinaraffle lang e
Kylie: Ganun talaga bhie. Handa akong magparaya basta may kapalit
Ako: Ay wag na lang pala
Isang araw nagising na kang ako na alam kong gusto ko na si Ruel. Kaya naman nung Brigada Eskwela ay sobrang excited akong pumunta sa school at kung pwede lang e lilinisan ko ang bawat sulok ng shs area dahil makikita ko si Ruel araw-araw. Pareho kasi kaming SSG sa school.
"Anong oras kaya darating si Ruel?" bulong ko sa sarili habang palingon-lingon sa paligid. "Mariah anong committee ulit si Ruel?" tanong ko habang nagpupunas ng bintana.
"Grade 11 rep, wala pa ang barkada niya kaya asahan mong wala rin siya. Maglinis ka na lang muna dyan," sagot niya bago lumabas ng classroom para itapon ang mga basura.
"Mabuti ka pa Noella ka-committe mo 'yung crush mo", tukso ko dahil alam kong kasama namin ang crush niya, si Cael.
"Manahimik ka nga! Sasabog na 'yung puso ko dito dumadagdag ka pa", lumapit siya sa akin at bumulong.
"Sige nga paano 'yung sabog?" tanong ko habang natatawa na mas nagpainis pa sa kaniya kaya iniwan niya akong nagpupunas ng bintana.
Kumain kami ng lunch sa McDo at doon rin pala magla-lunch sila Ruel. Is this fate? Charot. Kasama ko si Mariah na nag-order at nakakainis lang kasi ako ang pinapila niya and it turns out na si Ruel rin ang umorder sa kanila. Kabadong-kabado ako kasi nasa likod ko siya at sobrang lapit niya. Ngayon nararamdaman ko na 'yung nararamdaman ni Noella kanina. Kainis, nakarma ako.
Hindi magkalayo ang table na pinagkainan namin at ang table nila Ruel. Inaasar ako ng mga kaibigan ko kaya mas lalo akong namula at kinilig. Hindi ko alam kung supportive sila o sadyang pinagtritripan lang nila ako. Bumalik kami ng school at naglinis ulit.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...