16

465 22 5
                                        


Plinano namin ang Year End party dahil next week Friday ay ang huling klase ng taon. Ang bilis naman parang kailan lang nag-aalangan pa akong mag-enroll sa STEM and take ABM instead pero ngayon heto ako at nakikipagsigawan sa mga kaklase ko ng mga dapat kainin sa year end party.

"Chicken nga kasi!" sigaw ko dahil gusto ko talaga ng chicken.

Isinulat naman ni Kylie sa menu ang chicken at nagtanong pa ng ibang kakainin namin. Lechon manok, palabok, chapseuy, maja blanca atsaka softdrinks ang napagpasiyahan naming kainin. Simple lang pero madami kaya mabubuosg na kami.

Nagmeeting naman kaming mga homeroom officers para i-assign kung sino-sino ang mga incharge. Dahil ako raw ang nagsuggest ng lechon manok ay ako ang bibili at ibinigay na rin sakin ang pera. Sila Czarlotte at Mia ang nakatoka sa Games and Prizes na siguradong masaya.

Kinabukasan ay nagmeeting kami ulit kasi nakarinig kami ng reklamo na ang laki raw ng contribution maging ako ay sang-ayon. Gipit din kasi ako ngayon kaya gusto ko sanang mabawasan kahit konti lang.

"Ginagawa naman natin 'to para maging masaya ang year end party natin tsaka magreregalo tayo kay Sir Flores remember", sabi ni Kylie.

"Oo alam namin 'yun kaso nga gipit kami pero sige nabayad na namin 'yung pera namin 'e ano pang magagawa namin", napataas ang boses ko na hindi ko naman sinadya.

"Galit ka ngayon?" tanong pa ni Kylie.

Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Hindi ako galit. Sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin. Mali ba 'yun?"

Mabuti at hindi na ako pinatulan ni Kylie kundi magkakaroon ng word war dito sa loob ng classroom. Kinagabihan ay nagchat naman ako agad kay Kylie pati na rin kay Ryleigh dahil nasigawan ko sila. Nagchat rin ako kay Jared dahil naiinis ako sa kaniya. Siya ang president ng room namin for second sem pero hindi man lang siya sumama sa meeting tungkol sa Year End Party.

Ako: Nakakainis ka wala kang kwentang president!

Hindi naman nagtagal ay nagreply siya.

Jared: Hindi naman kasi ako magaling sa mga ganyang bagay. Tamang PubG at ML lang ako.

Ako: Kahit na. Kung sinamahan mo lang sana kaming magplano kahit di ka na magsalita just your presence sapat na 'yun

Jared: Sorry na

Ako: K.

Jared: Grabe ka hahaha

Ako: Doon ka na sa bebe mo shuuuu

Jared: Hindi na kami nagchachat

Ako: Break na kayo!? 

Jared: Hindi! Baka kasi mahuli kami ng parents niya na nagchachat tapos paglayuin kami ulit

Ako: Ikwento mo nga kung paano kayo pinaglayo ahahahaha

Jared: Saka na di pa ako ready magkwento e next time na lang ha

Ako: Oh ok ahaha

Nagseen na lang siya at hinayaan ko na lang rin. Hindi pa raw ready so bakit ko pipilitin.  May alam naman ako sa story nila kung paano sila pinaglayo. Classmates silang dalawa dati ni Syringe tapos nung katapusan ng August ay nilipat si Jared sa section namin. Yun lang siguro 'yung paraan para mabawasan ang interaction nila pero hindi e sabay pa rin silang maglunch maging sa uwian ay sabay sila. Kawawa si Jared kapag nahuli talaga sila.

Mayamaya pa ay nagchat si Jared kaya binuksan ko kaagad.

Jared: Alam mo naman siguro kung bakit ako nilipat ng section diba?

Ako: Yaass

Jared: May kinalaman dun ang parents ni Syringe. nakita kasi nila 'yung chat namin na medyo romantic ahahaha

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon