Nag-aral ako ng mabuti para sa exams namin. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil dito lang nagiging proud ang parents ko sakin. As usual mahirap pa rin talaga ang Calculus at Chemistry."Nahilo ako sa Chem! Tapos kasunod pa nun 'yung Calculus grabe hindi man lang pinagpahinga utak ko", reklamo ni Shayne habang nakasandal sa balikat ni Daryl.
"Sus! Kapag isa ka sa mga top itatali ko 'yang buhok mo ng sobrang higpit", sagot ni Lianna.
Sensitive kasi si Shayne pagdating sa buhok niya. Naiyak nga siya noong grade 9 kami nang ipitan siya ni Lianna ng sobrang higpit. Hinampas naman ni Shayne si Lianna at inawat sila ni Daryl. Inaya na lang ni Daryl na mag-ML si Shyane para hindi matuloy ang sakitan ng dalawa.
Umuwi naman ako agad dahil nahilo talaga ako sa Chemistry. Nag-aalangan tuloy ako kung kakayanin ko ba ang Medicine. Well sabi sa nabasa kong advise ng isang doctor, being smart isn't enough if you want to pursue Med kasi hardwork is also a must. Kung hardwork ang pag-uusapan aba hindi ako palpak doon!
"Kamusta ang exam 'nak?" tanong ni Papa habang naghahapunan kami.
"Okay lang po as usual mahirap po ang Calculus at Chemistry", sagot ko.
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Dinagdagan ni Mama ang kanin ko dahil daw kailangan kong mabawi ang nagamit kong energy.
"Ma tama na ang dami ng nilalagay mo", pagpigil ko kay Mama dahil nilagyan na naman ng kainin ang pinggan ko.
Tumigil naman na siya pero nilagyan naman ng maraming ulam ang plato ko. Hinayaan ko na lang siya at magwowork out na lang ako bukas para hindi ako tumaba. Sobrang daming chat sa gc naming magkakatable sa classroom. May nagcheat daw sa kabilang section, sa section nila Ruel to be exact. Kaya naman nakisali na rin ako sa usapan.
Mariah: Naiinis ako! Naghihirap akong mag-aral tapos sila ganyan lang!?
Czarlotte: Ang kapal pa ng mukha nila kaninang kausapin tayo kesyo nahirapan daw silang mag-exam!
Noella: Ang sabihin nila nahirapan silang magcheat grrr!
Ako: Teka ano bang nangyari?
Mariah: Nasa set B kasi kayo nila Kylie, ikaw, at Shayne
Noella: Recess kanina bumaba si Gabriel at nakita naming sinesenyasan niya si Bennett na buksan ang phone at mag-online
Ako: tapos?
Czarlotte: Lumapit ako kay Bennett at pinakita niya sakin 'yung picture na kakasend lang ni Gabriel
Mariah: Answer key sa General Mathematics
Ako: Wtf!?
Shayne: Hilong-hilo pa nga ako hanggang ngayon dahil sa Chemistry tapos dadagdag pa 'yan
Noella: Isusumbong ba natin sa adviser nila?
Ako: Ab punyeta malamang! Sino-sino ba sila?
Mariah: Barkada ni Ruel at baka siya rin
Ako: Puta lang
Kylie: Hindi naman imposibleng gawin 'yun ni Ruel kasi barkada niya si Kingson
Ryleigh: Oo nga naalala ko tuloy nung first grading, si Kingson ang naging top 1 e parehong pareho naman ang average nilang dalawa ni Kris
Kris: Napaka-uhaw naman sa rank grabe bad genius lang ahahaha
Matthew: Mama mo uhaw
Olyx: Gago! HAHAHAHA
Ako: Sus gusto mo rin namang malintikan sila Kingson e
Mariah: Soleil tanongin mo nga si Jared kung may alam siya about dito. Barkada niya rin kasi sila Gabriel

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...