5

1K 35 10
                                        


Tuwang-tuwa ako matapos kong mabasa ang list ng mga kaklase ko. Wala akong pakielam sa ibang classmates ko na hindi ko naman kilala pero sa isa meron. Ruel Barrozo, sumasang-ayon ata sakin ang universe ah.

Sa sobrang excited ko sa 1st day of classes ay hindi ako masyadong nakatulog. Naiinis nga ako kasi kailangan ko ng beauty sleep para maging glowing ang skin ko atsaka baka may pimple na biglang sumulpot sa mukha ko. Ang hirap pa namang kuhanin ang attention ni crush kapag hindi ka kagandahan.

Sinuri kong mabuti ang ayos ko ngayon. Malinis ang pagkakatali ng buhok ko na siyang lagi kong hairstyle. May pagkakulot kasi ang buhok ko at kapag hinayaan kong nakababa lang ay magmumukha itong frizzy. Pero kahit ganoon ay gustong-gusto ko pa rin ang wavy at slight curly hair ko kasi natural 'yun. Ipapabraid ko na lang mamaya kay Czarlotte para mas maging maayos.

6:00 am ang call time at medyo late ako sa oras. 30 minutes past the call time ako dumating kaya marami na ring mga students ang nasa loob ng school grounds. Pumwesto na ang bawat committee ng SSG sa kani-kaniyang designated areas.

Malalaki ang ngiti namin habang binabati ang mga teachers at estudyante pati na rin ang ibang school staffs tulad ng mga guards at cleaner. Mukha talaga kaming masaya at napaisip tuloy ako kung magiging masaya rin ba 'tong school year na ito. Nang matapos ang flag ceremony ay nag-assist naman kami ng mga students na hindi alam kung saan ang rooms nila. May ilan din na magpapa-enroll pa lang dahil ginahol sa oras.

"Gusto kong hubarin 'tong uniform. Ang hot ko na nga tas ang init pa dito sa Pinas", reklamo ni Kylie habang pabalik kami sa classroom namin.

"Demonyo ka kasi kaya naiinitan ka", pinalo niya ako. "Wala ka bang extra shirt na dala?"

"Was, bakit ikaw ba meron? Sana wala para may kasama ako", nandamay pa talaga siya. 

Napailing-iling na lang ako. Nagpahinga kami sandali sa classroom namin at wala pa kaming balak na makipagkilala sa mga bago naming classmates. Ihahatid pa pala namin si Noella sa classroom niya.

"Maging pabibo ka dito ah wag kang tatanga-tanga. New environment kaya go lang ng go girl", bilin ni Kylie kay Noella.

"Opo 'nay char, baka masampal mo ako", hinarang ni Noella ang kamay niya sa mukha dahil baka sampalin siya ni Kylie. "Doon ako sa classroom niyo magla-lunch ha".

"Hintayin ka namin doon bitch", sabi ko.

"Chat ko sandali si Lianna para sabay-sabay tayo", sabi ni Mia.

"Gamitan mo sila ng mga deep English words. Ano ulit 'yun? Scrumptious?" pabirong sabi ni Mariah.

"Pag may pogi kang classmate ireto mo sa akin agad", mahinang siniko ni Czarlotte si Noella.

"Kakasimula lang ng klase naghahanap ka na agad ng pogi", pinagkrus ko ang braso.

"Syempre dapat I'm one step ahead of my competitors", sagot ni Czarlotte.

"O, sino ka dyan?" sarkastikong tanong ni Kylie, may paturo pa ng daliri at taas kilay.

"Linya ko 'yan hoy", pinalo ni Czarlotte si Kylie.

"Linya ko rin 'yung sinabi mo", tinaasan ng kilay ni Kylie si Czarlotte.

Iniwan na namin si Noella doon at baka hindi na kami matapos sa kakaba-bye sa kaniya. Hindi rin namin naging classmate si Lianna kaya mas nabawasan ang ingay ng tropa.

Kasama ni Ruel na naglunch ang mga kaibigan niya at umalis sila sa classroom. Ang barkada naman namin ay sa room kumain. After 30 minutes ay bumalik na rin sila Ruel. Umupo siya sa tapat na upuan ng akin kaya naman magkaharap kami. Nagpapatugtog kami ng Kpop songs at nagkataon na Kill this Love ng Blackpink ang tumutugtog. Nagulat ako nang sumayaw si Ruel habang nakaupo nung nagchorus na.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon