Masakit ang buong katawan ko. Nagmulat ako ng mata at natagpuan ang sarili sa isang hospital bed. May dextrose na nakakabit sakin at mag-isa lang ako sa loob ng isang kwarto ng ospital.Si Lola! Kasama ko siya kahapon! Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas kasama habang hila ang dextrose. Mukha akong pasyenteng baliw na naglalakad sa hospital corridor.
"May kasama ba ako noong isinugod ako rito?"
Nagulat sakin ang nurse na pinagtanongan ko sa lobby. Inutusan niya kaagad ang lalaking kasama na alalayan ako.
"Kaya ko ang sarili ko kaya sagutin mo ang tanong ko", bumaba ang tono ng boses ko. Seryoso na ako kapag ganito.
"N-nasa ICU p-"
Agad na akong umalis doon at hinanap ang ICU. Pinigilan pa ako ng guard na nsa harap ng glass door ng ICU Department pero nakalusot din ako.
Nakita ko sa di kalayuan sila Mama na nakadungaw sa isang kwarto. Agad akong pumunta doon at hindi ininda ang mga sugat ko sa binti at braso na ngayon ko lang napansin.
"Si Lola a-"
Isang malutong na sampal ang nakuha ko galing kay Mama. Dahan-dahan kong sinalubong ang tingin niya.
"Isa ka talagang malas!"
"Bakit ba kayo nasa Daang Kalikasan!? Wala ka bang trabaho!? Puro kagaguhan na naman siguro ang ginagawa mo!"
"Bibisita lang po sa-"
"Wag kang magrason! Kung hindi dahil sa'yo edi sana walang nangyaring ganito!"
"Tama na", saway ni Lolo kay Mama.
Namamanhid na ako sa lahat ng sakit at problemang dumarating sakin ngayon. Inalalayan ako ni Ate MJ na bumalik sa kwarto ko.
"Balik ka na doon kila Mama. Kaya ko na ang sarili ko", tumungo ako habang nakahiga na sa hospital bed.
"Ano bang nangyari? Mabuti at malapit lang rin si Pierce na namamasyal din doon. Ang kwento niya sa amin nadatnan niya na umuusok ang kotse mo tapos nakayakap ka kay Nanay", nilapitan ako ni Ate MJ.
"May bumangga sa amin. Tatlong beses na binangga ang kotse. Doon sa unang bunggo pa lang inatake na si Nanay sa puso", nakatungo pa rin ako.
"Bakit ba ikaw na lang lagi ang gumagawa ng gulo?"
Hindi na ako sumagot. Tama naman talaga ang mga sinabi nila. Kung sana hindi ako bumisita at ipinasyal si Lola, walang mangyayaring ganito. Malas nga talaga siguro ako at ang tanga ko para marealize lang 'yun ngayon.
Nakatulog pala ako at nagising sa narinig kong mga bulungan. Hindi ako nagmulat ng mata at pinakinggan na lang sila.
"Puro kalokohan at katangahan na lang ba ang alam niyang gawin?"
"Hmp! Walang kwentang anak! Kung sana lalaki siya edi siguro may asawang mayaman na 'yan ngayon".
"Hindi pa nga nakakatulong sa atin tapos ngayon problema na naman ang dala niya".
"Isang pagkakamali na ipinanganak ko ang batang 'yan! Siya na nga lang ang pag-asa nating maging lalaking anak, pumalpak pa".
Magaling akong magpigil ng emosyon kaya hindi ako naiyak habang pinapakinggan sila. Saka lang ako nagmulat noong narinig ko na silang lumabas.
Mula bata alam ko kung gaano nila kagusto na magkaroon ng anak na lalaki at alam ko rin na aksidente lang rin akong nagawa. Kaya noong nalaman nilang babae ako, sobrang dismayado sila. Laging kinekwento 'yun ni Mama sa amin nila ate. Pati rin ang mga kapatid ko, dismayado rin dahil hindi ako lalaki.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...