41

474 13 20
                                        


Patuloy sa pagring ang phone ko. Hirap kong inabot mula sa side table.

"Hello? Dra. Valencerina speaking", sagot ko.

[Uy bedroom voice]

"Lianna ikaw ba 'yan?" napatakip ako ng braso sa mukha.

[The one and only bb! Wala ka sa trabaho?]

"Namamatay ako", mahina akong napaimpit dahil sumasakit ang puson ko.

[Punta ako dyan. Lutuan kita ng corn soup]

"Yieee... lab niya ako", nakuha ko pang magbiro.

[Sira! Kasama ko si Mia. Malapit na kami may dinaanan lang kami sandali sa SM]

"Hmmm sige", sagot ko at pinatay na ang tawag.

Tinignan ko kung anong oras na, quarter to 11 na pala ng umaga. Napangiwi na naman ako nang sumakit ang puson ko. Para akong sinasaksak. Pinilit ko ang sariling makaupo sa kama pero nahulog lang ako sa sahig. Gumapang ako papunta sa pinto at in-unlock 'yun. Sumandal ako sa pader malapit sa pinto at ipinikit na lang ang mata.

"Bonak na regla 'to bat kailangang masakit?" napakagat ako sa labi nang sobrang diin.

Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto at napamulat ang mata ko sa high-pitch na boses ni Lian.

"Nagulat ako sa'yong babae ka! Mukha kang multo dyan siz", dumiretso siya sa kusina.

"Hindi mo ako tutulungang tumayo!?" sigaw ko sa kaniya.

"Pasunod na si Mia hintayin mo! May kausap siyang engineer sa lobby", nagprepare na siya ng mga ingredients.

Umaray ako at nakigaya si Lianna. Pareho kaming natawa pero agad akong napatigil dahil every tawa ay may lumalabas. Mayamaya pa ay dumating na rin si Mia na nakabusangot.

"Ang tagal mo!" reklamo ko sa kaniya at itinaas ang dalawang kamay para maitayo niya ako.

"May kinausap lang", itinayo niya ako at inalalayan para makaupo sa stool malapit sa kitchen counter top.

"Sino 'yung engineer na sinasabi ni Lianna? Ikaw ha hindi ka na nagsasabi sakin", lumabi ako at tinaasan siya ng kilay.

"Engineer? Wala kaya", nag-iwas ng tingin si Mia.

"Hala sige deny pa", nilingon kami ni Lianna.

"Kaya nga deny pa teh. Hindi mo kami madadaan sa ganyang gimik mo. Ipakilala mo sa amin 'yan", isinandal ko ang siko sa edge ng counter top.

"Akala ko ba masakit ang puson mo?" pag-iiba ni Mia sa topic.

"Yung puson ko ang masakit hindi 'yung bibig ko", inirapan ko siya.

"Grabe ka talaga pag may period hay paano pa kaya kapag buntis ka na", nilapag ni Lianna sa counter top ang corn soup.

Nginitian ko siya at nagsimulang kumain. "Ang sarap", napaungol ako sa unang subo ng corn soup na niluto ni Lianna.

"Kadiri ka!" lumayo sa akin si Lianna.

"Gaga masarap nga kasi 'yung luto mo!" sumubo ako ulit. "Nyeta ako na lang asawahin mo Lian!"

"Hindi tayo talo tsaka mahal ko ang asawa ko", inirapan niya ako.

"Hindi ka nga inuuwian e", biro ko kaya nakatanggap ako ng hampas sa braso. "Ang bigat ng kamay mo!"

"Wag mo kasing binabanggit 'yung asawa niyang hindi alam umuwi", dumiretso na si Mia sa pinto.

"Hoy aalis ka na!?" tumayo ako sa upuan.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon