44

444 13 28
                                        


Ginawa kong busy ang sarili sa residency. Nagkaayos na kami ni Rehan at nakahingi na siya ng tawad sa mga kaibigan kong lalaki lalo na kay Jared na nasuntok niya. Nagkaayos man kami ay parang may konting civil war pa rin sa pagitan namin. Madalang ko na lang ring marinig mula sa kaniya ang mga salitang 'mahal kita' at 'ingat ka'.

"You still had this with you?" kinuha ni Rehan ang envelope na naiwan sakin ni Eiriane na nasa ibabaw ng study table ko ngayon.

"Hindi ko pa naibalik. Wala naman kasi akong time", binantayan ko ang reaksyon niya.

Lumabi lang siya at tumango-tango. Hindi niya ba bubuksan? Hindi man lang ba siya nacucurious kung ano ang laman?

"By the way I'll be busy for the next few days. I'll be accompanying Eiriane to deal with political stuffs about her father's case", aniya nang hindi ako tinitignan.

"Ingat kayo. Ipanalo mo ang kaso", doon na siya napatingin sakin.

Para bang may disappointment sa mata niya. Saan siya nadisappoint?

"Kailangan mo ba ng prayers ko?" nilapitan ko siya.

"I can deal with this one", umiling siya.

Magsasalita pa sana ako para pakiusapan siyang bantayan ako ngayong gabi kasi ilang gabi na rin akong nakakaramdam ng kung ano dito sa condo. Para akong pinapanood kahit sa ospital, pakiramdam ko may pasikretong nagmamatyag sakin. Biglang tumunog ang cellphone niya. Si Eiriane ang tumawag.

Nagmamadali siyang nagtungo sa pinto at walang ano-ano ay lumabas na kaagad. Sumikip na naman ang dibdib ko dahil doon. Parang ipinamukha sakin na isang tawag lang sa kaniya ng ex niya ay pwedeng agad akong mapalitan. Naalala ko na sinabi niya sakin noon na ang ex ay hindi na dapat binabalikan, kabaligtaran naman ata ang ginagawa niya.

Naghanda na akong pumasok sa OR. Automatic na bumukas ang pinto kaya pumasok na ako. Nagsuot ako ng gloves at dinaluhan na ang chief surgeon. Stable ang vitals ng pasyente noong una pero nagkaroon ng aberya sa kalagitnaan ng operasyon.

May kakaiba sa ikinikilos ng chief surgeon maging ang ibang medical personnel na kasama namin sa OR. Ginawa ko ang makakaya ko para buhayin ang pasyente at hindi naman ako nabigo.

"You've done enough Dra. Valencerina", nginitian ako ng chief surgeon. "You can now leave".

"I'll stay until the operation is finished and successful, Doc", pinal kong sabi.

"I'm your senior. Go ahead. Kami na ang bahala rito", seryoso akong tinignan ng chief surgeon.

"Pero po a-"

"Leave now, Dra. Valencerina", ang anesthesiologist naman na ang nagpapaalis sakin.

Bahagya akong napatungo. Dahan-dahan akong lumabas sa OR at tinanaw pa sila mula sa nakasaradong glass door. Nang makita kong inaasikaso na nila ang pasyente ay nagpunta na ako sa bihisan.

Pauwi na dapat ako nang biglang magkagulo. Nasa opisina ako at kinukuha na ang mga gamit nang makarinig ng ingay sa labas.

"Where is that resident doctor!? She killed my brother! Let me slap her!"

"We will file a case against her! Damn her!"

Lumabas ako sa opisina at laking gulat ko na sa di kalayuan ay may nagkakagulo nga talaga. Tinuro ako ng isa at sinugod ako. Naestatwa ako sa kinatatayuan dahil hindi ko maproseso ang nangyayari.

"Fuck you! Your duty is to save lives! Why did fucking do that to my brother!?"

Nakaramdam ako ng hapdi sa braso ko. Sinulyapan ko 'yun at nakitang may kalmot. Sinasabunutan na rin ako ng babae pero hindi talaga ako makapalag.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon