"Engr. Jace Redmond Castillo", nilahad ni Jared ang kamay kay Rehan. "Pero kung magiging close tayo, Jared na lang"."Atty. Rehan Izach Meneses", tinanggap ni Rehan ang kamay ni Jared.
Nagngitian ang dalawa. Tinignan ko naman si Ruel na parang walang balak makipagkilala kay Rehan na nakalahad na ang kamay. Siniko ni Jared si Ruel kaya napilitan siyang makipagkamay kay Rehan.
"Archt. Ruel Xoren Barrozo", nakita ko ang paghigpit ng kamay niya kay Rehan.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila, "Yey! Friends na sila", pagpapagaan ko sa atmosphere.
Nyeta ang awkward. Tinignan ko si Rehan at nakitang napabuntong hininga siya. Nginitian ako ni Ruel. Sumiksik naman sa pagitan namin ni Rehan si Jared.
"Wala ka bang pangwelcome hug?" niyakap ako ni Jared.
Nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Ruel at konti na lang ay baka masapak niya na si Jared. Nanatiling kalmado si Rehan at seryoso lang akong tinititigan. Para bang nagtatanong ang mga mata niya na bakit ako nagpapayakap sa ex ko.
Napahiwalay kami sa yakap nang tumikhim na si Rehan, "I think kaming tatlo na lang ang mag-uusap", sabi niya.
"Tama. May trabaho ka pa bukas Soleil kaya magpahinga ka na", tumayo si Ruel at tumingin sa relo.
Napatayo na rin ako dahil dumiretso na silang tatlo sa pinto, "Wag kayong magbugbugan please", nag-aalala kong sabi.
Hinarap ako ni Rehan, "We won't", pinisil niya ang tungki ng ilong ko.
Hindi ako mapakali sa higaan ko dahil iniisip ko silang tatlo. Baka magpatayan sila hala. Pero hindi naman siguro hay bahala na nga. Pinilit ko ang sarili para matulog kahit sobrang hirap ayan tuloy dalawang oras lang ang naging tulog ko.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Rehan na kasabay ko ngayong maglunch.
"Iniisip ko kayong tatlo kaya hindi ako masyadong nakatulog", napabuntong hininga ako.
"We just talked and agreed on some terms", nagkibit balikat siya.
"Terms saan?" kumunot ang noo ko.
"Terms on courting you. We'll take turns on going out with you para fair", Aniya.
"Sus! Labag naman sa kalooban mo", tukso ko sa kaniya.
"I need to do it for the sake of fairness and equality. I don't want them to say na you're biased at ako ang love mo", may nakakaasar na ngiti sa labi niya.
"Luh sinong nagsabi na bias ako? Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko", pabiro ko siyang inirapan.
"Anyway sino ang kasama mo mamaya sa dinner?"
"Si Jared", sagot ko.
"He's nice", komento niya.
Napatango ako, "E si Ruel?" tanong ko.
"Hmmm... we don't get along really well. He's too quiet and it's like parang he's planning on how he'll remove me na in your life", sagot niya kaya natawa ako.
Conyo as ever.
Hinatid niya ako sa opisina at sumandal siya sa pader. "I want to solo you na", lumabi siya.
"Arte nito! Pray harder para maging sa'yo na ako", pumasok na ako sa opisina at hindi na hinintay ang susunod niyang sasabihin baka hindi kami matapos sa usapan.
Sa Dapitan ako dinala ni Jared para kumain ng hapunan. Kahit pasado alas diyes na ay pumayag pa rin akong maghapunan kahit alam ko sa sarili kong may rule ako na kapag alas otso na ay bawal na akong kumain ng carbs.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...