18

412 23 11
                                    


Hinihintay ko ang overall ranking this school year kasi medyo doon lang nagiging proud ang parents ko sakin kapag mataas ang rank ko.

Bumubulong bulong ako habang hinahanap ang pangalan ko, "Valencerina... Valencerina.. Valen-".

Lumaki ang mata ko nang mahanap ko na ang pangalan ko. 16! Rank 16 ako! Lumabas ako sa kwarto at ibinalita agad ang final rank ko.

"Ma! Rank 16 po ako. Pa tignan mo 'o, rank 16 ako over 124 students po ng grade 11", masayang masaya ako habang binabalita sa kanila.

"16 lang?" natigil ako sa pagtalon. "Noong high school ako mas mataas pa ako dyan", sabi ni Papa.

"Mataas na po kaya nakuha ko 'e ang tatalino kaya ng mga ka-batch ko", sabi ko kay Papa.

"Lahat ba line of 9 ang mga grades mo?" tanong ni Mama.

"Hindi ko po alam Ma sa enrollment ko na po kasi makikita 'yung card ko", sagot ko at tumango-tango na lang sila.

Proud naman siguro sila diba? Proud pero hindi masyado. Tinanggal ko na lang sa isip ko ang mga sinabi nila at inisip na proud talaga sila sakin.

Wala akong ginawa kundi magreview para sa mga entrance exams na darating sa Grade 12 ngayong summer plus ang everyday chat kay Jared. Ewan ko ba kasama na siya sa everyday routine ko 'e hindi ko naman jowa.

Jared: Good morning

Ako: Morning

Jared: Ay hindi good ang morning mo?

Ako: Good morning! Masaya ka na?

Jared: Opo doctora ahahaahaha. Anong ginagawa mo?

Ako: Nagrereview

Jared: Luh wala namang pasok

Ako: Para sa entrance exams tsaka sa NMAT na rin para makuha ako sa med school na papasukan ko

Jared: Naks sana all may plano na sa buhay

Ako: Baliw. Bakit ikaw saan mo ba balak mag-aral?

Jared: Kung saan ka doon din ako

Ako: Hala bakit naman

Jared: Para may pagkokopyahan ako ahahahahhaa jk

Ako: Che! Sa UP Manila ko balak mag-aral

Jared: May engineering ba doon? Kung meron, doon na lang din ako

Ako: Wow ha parang ang daling pumasok doon

Jared: Kaya nga nag-aaral ka diba para pumasa

Ako: Paano ka?

Jared: Basta hahaha papasa ako

Ako: Sige kitakits tayo engr. ha

Jared: Yes dra. hahahaha

Si Jared ang naging lakas at motivation ko para pag-igihan ang pagrereview para sa mga college entrance exams. Kahit sumasakit na ang ulo ko kasi hindi ko naiintindihan ang mga nirereview ko lagi kong iniisip ang usapan namin ni Jared.

Ako: Hoy

Noella: Ano

Ako: Wala lang ahahahaha

Noella: Ok ahahaha btw sa US na pala ako magwowork sabi ni mommy

Ako: Sana all foreigner ahahaha

Noella: Che hindi ko pa nga masyadong alam makipag-communicate sa ibang tao

Ako: Alam na ba ni Cael?

Noella: Yung pagpunta ko sa US oo alam niya pero 'yung doon na ako magtatrabaho hindi pa

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon