Puno ang schedule namin dahil sa mga long quiz and performance tasks. Malapit na kasing mag-exam at hindi pa rin tumigil ang maulan na panahon. Malalaki ang subo ko sa pagkain dahil masarap ang baon kong ulam. Fried Chicken. Pasubo na ako ulit ng kanin nang dumaan si Ruel sa labas ng classroom. Nakita niya akong sobrang laki ng bukas ng bibig at kita rin na pinigilan niya ang tawa.Shuta nakakahiya! Tumungo ako at hinayaan muna siyang dumaan. When the coast is clear, lumamon ako ulit.
Todo review ako dahil mahirap ang Calculus at Chemistry. Three days from now ay exam na at kailangang pasado ako sa lahat lalo na 'yung mga majors ko kasi doon na lang ulit ako naaappreciate ng parents ko simula noong nalasing ako.
"Turuan mo ako mamaya sa Calculus ah", sabi ni Bennett, isa sa mga katable ko ngayong exam.
"Luh di naman ako magaling dun e", sagot ko. I can do Math pero magiging selfish muna ako ngayon, slight.
Nagbantay ng mabuti ang adviser namin habang nag-eexam kami. Bawat section ay hinati sa dalawang set at nasa separate classroom ang bawat set. Nasa set A ako at kasama ko sila Kylie, Czarlotte, Mia, Ryleigh, Olyx, Daryl at Shayne.
Naging maayos naman ang exams ko at pasado lahat. May mga high scores din sa ibang subjects at proud na ako dun para sa sarili ko kasi alam kong pinaghirapan ko ang mga 'yun.
"Soleil! Hindi ka ba babangon!? Magaalas otso na ng umaga!" ginising ako ni Mama.
Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako bumangon at plinanong wag na lang pumasok ngayon. Tinignan ko si Mama na gulat na nakatingin sa akin.
"Bakit ganyan ang leeg mo? May mumps ka ba?"
Kinapa ko ang leeg at naramdamang medyo namamaga nga at may bukol. Napabahing din ako ng ilang beses.
"Maligo ka at pupunta tayong ospital! Mag-iisang buwan na 'yang sipon mo", lumabas siya sa kwarto kaya naligo na ako.
Nagkaroon daw ng infection sa throat ko kaya namamaga ang leeg ko. Niresetahan ako ng mga gamot na sobrang taas ng dosage. Kapag daw hindi nawala ang infection ay baka operahan ako. Hindi ako takot sa surgery dahil magdodoktor nga ako pero hindi ko lang maimagine na inooperahan sa leeg tapos tatahiin pa kahit alam kong under anesthesia ako kapag ooperahan.
Kinabukasan ay pumasok na ako. Sobrang stiff ko na sobrang layo sa usual na ako na magaslaw, carefree at sobrang cheerful pero ngayon ay hindi ko talaga magawa ang mga 'yun.
"Himala ang hinhin mo ngayon ah", pang-aasar ni Mariah.
"Namamaga ang leeg ko", dahan-dahan akong lumingon.
"Magugustuhan ka na nyan ni Ruel", si Kylie naman ngayon ang nang-asar.
At dahil nasa kabilang direksyon siya ay kinailangan ko na namang bumaling doon ng dahan-dahan. Punyeta!
"Bahala ka nga sa buhay mo", 'yan na lang ang nasabi ko kay Kylie.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Aware naman ako na mga mahihinhin na babae ang tipo ni Ruel at hindi ako ganun, never akong magiging ganun. Ewan ko ba noong bata naman ako ay mahinhin ako hindi ko alam kung paano ako naging ganito. Pero mas gusto ko kung ano ako ngayon, hindi ako nasasakal at pakiramdam ko ay malaya ako.
As usual, nag-PE lang kami ngayong Friday. Nagzumba kami para naman magising daw ang mga katawan namin at nag by group kami pagkatapos para ipractice ang zumba kanina. Magpeperform kasi kami at kung kanino pinakana-entertain ang PE teacher namin na si Ma'am Mariza, mama ni Mariah, ay magkakaroon ng prize either sa grade o materyal na bagay.
Bumalik kami sa classroom at pinaupo kami kaagad ng adviser namin na may kasamang lalaki mula sa section nila Ruel. Bakit nandito 'yan?
"Introduce yourself to your new classmates", sabi ni Sir Flores na ikinagulat naming lahat.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...