Finally ay napunta na rin ako sa neurology department. Malapit ng matapos ang clerkship ko tapos pwede na akong magtake ng physician licensure exam. Kinakabahan tuloy ako baka hindi ako makapasa. Kumukuha ako ulit ng kape at saktong tumawag si Mariah."Boss", bungad ko.
[Boss tatanong lang ako kung anong pwede kong inumin na gamot para sa period ko. Baka mamatay na naman kasi ako e busy pa naman ako this week]
Natawa ako dahil parehas kaming namamatay. I mean nawawalan kami ng consciousness kapag dumarating ang period namin at para talaga kaming namamatay.
"Ibuprofen such as advil ganun or naproxen sodium like aleve. Twice a day na iinumim. Mas better kung magtake ka ng mas maaga sa pagdating ng period mo para magkaroon agad ng effect within 3 days", sagot ko.
[Pwede kong dikdikin 'yun diba para mas madaling inumin]
Iinom na sana ako sa kape nang bigla itong matabig ng isang lalaki. Mabuti at hindi natapunan ang roba ko maging ang lalaking nakabunggo sakin. Nagsorry siya pero tinanguan ko na lang at hindi masyadong pinansin tsaka mukhang nagmamadali rin 'yung lalaki.
"Oo alam ko namang hindi ka umiinom ng gamot. Parehas kayo ni Shantal hay naku", sagot ko.
[Sige boss thanks! Hindi na ako mamamatay nito]
Ibinulsa ko ang phone at pinunasan ko ang konting kape na nabuhos sa kamay ko. Pumunta ako sa restroom para maghilamos doon tsaka para magising ang diwa ko.
Hinuhugasan ko na ang kamay ko ng biglang pumasok si Shazia sa banyo. Mugto ang mata niya na mukhang kagagaling lang sa iyak. Nakita niya ako at tipid akong nginitian. Hinintay ko siyang lumabas sa cubicle.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko at napatigil siya sa paghuhugas ng kamay.
"First my nephew and now my Mom. Isinugod siya dito kanina lang at hinihintay pa namin siyang magising", napalunok siya.
Hindi naman ako nakasagot agad dahil nagulat din ako sa ibinalita niya. Healthy naman si Tita Amara noong nakita ko siya tapos ngayon bigla siyang isinugod sa ospital.
"Hindi ko alam ang sasabihin pero malalampasan niyo rin 'yan. Baka sinusubok lang kayo ng Panginoon kaya magtiwala lang kayo sa Kaniya", sabi ko, nakangiti.
Tinuyo niya ang kamay at tumingin sakin, "Can I have a hug?" tanong niya.
Ibinukas ko ang braso para salubungin siya sa yakap, "You badly need a hug. Magiging ayos din ang lahat", sabi ko sa kaniya habang hinahaplos ang likod niya dahil umiiyak ito.
"I remember Kuya Rehan sa'yo. You're so comfortable to be with at parang magiging ayos lang ang lahat kapag tinitignan kita", Aniya sa pagitan ng iyak niya.
Umiyak pa siya at hinayaan ko na lang siya. Habang umiiyak siya ay hindi ko maiwasang maisip 'yung sinasabi niyang Rehan. First gusto ako ni Ali para sa Papa Rehan niya tapos ngayon para naman daw akong kuya Rehan ni Shazia. Puta lang?
Hinatid ko siya sa room ng mama niya at pinapasok niya muna ako. Tulog si Ali sa sofa habang ang Papa ni Shazia ay nagkakape. Inaya akong kumain ni Shazia ng cookies na dala nila.
"I don't eat after 8 pm sorry", umiling ako kaya siya na lang ang kumain.
Tinignan ko ang fluids ni Tita Amara maging ang dextrose na nakakakabit sa kaniya baka kasi dumudugo ang pinagtusukan. Narinig ko namang may kausap si Shazia sa phone at tamang-tama ring naalimpungatan si Ali. Tuluyan siyang nagising nang makita niya ako.
"Ate doctora!" lumiwanag ang mukha niya.
"Hello kiddo", yumuko ako para magpantay kami. "Tulog ka pa para healthy ka", sabi ko.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...