10

692 27 17
                                        


Nang makita kong 12:00 am na ay binati ko ang sarili ng maligayang kaarawan. Unang araw ngayon ng ber months. Natulog na ako nang makita kong wala namang bumati sakin ng saktong alas dose. Maaga pa ako mamaya dahil pupunta kami sa church. Linggo ngayon at saktong natapat sa birthday ko.

"Here in 3 John 1:2, it says that beloved, I pray that all may go well with you and that you may be in good health, as it goes well with your soul", pagsisimula ng pastor.

"Trust in the Lord that your next years will be healthy, prosperous, and filled with joy. God is watching over you", pagpapaliwang pa niya.

Saglit kong ipinikit ang mata para manalangin. Lord, katulad po ng lagi kong panalangin. Let your will be done in my life kahit masaktan po ako in the process I will still worship you but please strengthen me so that I can endure all the struggles po.

Umuwi akong ang gaan gaan ng pakiramdam at katulad ng promise sakin ni Papa, nag-ice cream nga kami. Ganito kami lagi noong bata ako. Kahit simpleng cornetto lang masaya na ako, pero ngayon kahit may ice cream hindi na ako nagiging okay. Try ko kayang magyakult? Para everyday okay. Charot, only God can make me okay.

Nag-online ako at sabog ang notifications sa mga social media accounts ko. Nagreply lang ako sa lahat ng birthday greetings at nanuod sa Netflix ang ginawa ko buong maghapon. Since hindi naman na ako close sa parents ko, edi sa kwarto na lang ako.

Natatawa ako habang tinitignan ang 17 badshots ko na pinost ni Mia. Ganoon din ang ginawa ni Noella kaso nga lang 17 pictures na pare-pareho lang. Nakita kong nagreact si Ruel sa post ni Noella pero hindi pa naman ako binati. Hindi naman siguro nagkulang si Mark Zuckerberg sa pagnonotify sa mga friends ko sa Facebook including Ruel na birthday ko ngayon diba?

Naghintay ako nang naghintay hanggang sa September 2 na raw sabi ng calendar ng cellphone ko. Punyeta, sige asa pa Soleil. Sa sobrang iritasyon at disappointment ay itinulog ko na lang dahil may klase pa ako mamaya.

"Soleil happy birthday pala!"

"Uy belated!"

"Happy birthday Soleil!"

Binati ako ng mga kaklase ko nang makapasok ako sa classroom namin. Nagtungo kami sa quadrangle para sa flag ceremony at pagkatapos at dumiretso na sa unang subject.
Nakasalubong namin sila Ruel at malayo pa lang ay kita ko na siya. Binati ako ni Kingson at inasar pa ako kay Ruel.

Wala ako sa mood kaya hindi ko na lang pinansin si Kingson, baka matadyakan ko ang mukha niya e. Naiirita ako kay Ruel kasi nakangiti siya e hindi naman niya ako binati kahapon. Nakakainis! Lalagpasan lang naming dalawa dapat ang isa't-isa at nang nacalculate kong magkakabunggo ang braso namin ay umilag ako at ganun din siya. Pero itong mga magagaling kong kaibigan ay itinulak ako kaya nagkabunggo pa rin kami. Binilisan ko na lang ang lakad dahil baka masampal ko ng one by one ang mga kaibigan ko.

Nagpatawag ng representative mula sa production team namin para ipass ang shortfilm kaya kaming dalawa na lang ni Kylie ang pumunta. Isa-submit na sana namin ang shortfilm para makabalik agad sa klase pero may kausap pa si Sir Flores

Habang naghihintay sa labas ng classroom ay doon ko lang napansin na nasa gilid ng stairs sila Ruel. Nakasuot siya ng white sport shirt, blue jersey and his usual Nike rubber shoes. May suot din siyang grey gym headband to keep his hair out of his face, medyo mahaba na kasi.

Ang cool niyang tignan. Shuta, kaya gustong-gusto ko ng sporty e. Magtra-try outs siguro siya para men's volleyball team ng STEM for the school's Intramurals. Napatagal ang tingin ko kaya naman umiwas na ako nang makita kong nakatingin si Dane, kaibigan ni Ruel.

Maya-maya pa ay sabay-sabay akong tinawag ng mga kaibigan niya, "Soleil! May sasabihin daw sa'yo si Ruel!"

Nagtama ang mata namin ni Ruel, "Happy Birthday!" nginitian niya ako.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon