Kaface time ko ang parents ko ngayon at magpapaalam sana ako kung pwede na akong magboyfriend ulit. Disyembre na pala, parang sobrang bilis ng mga kaganapan."Mabuti at naisipan mong magboyfriend na", sabi ni Mama.
"Magli-leave po ako by the end of the month siguro para mapakilala sa inyo", sagot ko.
"Matangkad na naman ba 'yan?" tanong ni Papa.
"Opo Pa. Letter R din ang simula ng pangalan", ngumiti ako. Lahat kasi ng mga crush ko na nakikilala ni Papa ay matatangkad.
"Nakapag background check ka na ba ha?" tanong ni Mama.
"Opo Ma", sagot ko.
"Ah basta ipakilala mo muna sa amin 'yan bago mo sagutin", napakamot si Mama sa batok pero may munting ngiti sa labi.
Sa pagdaan ng mga taon ay medyo maayos na ang relasyon ko sa magulang ko. Natanggap ko na ang katotohanang hindi na maibabalik ang nakaraan. Kung hindi man buo ang tiwala nila sakin ay wala na akong pake. Narealize kong wala naman pala talaga akong dapat patunayan. Yung galit lang sa puso ko ang nag-udyok kung bakit gustong-gusto kong may mapatunayan pero hindi pala kailangan.
Dapat maging proud na ako sa sarili ko dahil hindi ako sumuko at lumaban lang ako ng lumaban. Tanggap ko na ang pagkakamali ko pero puta lang nakakalungkot pa rin talaga.
"Busy ka ba sa 15? Uuwi kasi ako sa Pangasinan baka gusto mong sumama", sabi ko kay Rehan.
Nasa terrace kami ng unit ko at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Nakasandal siya sa railings samantalang ako ay nasa tabi lang ng nakabukas na sliding door.
"Hmm my paperworks can wait".
"Two days tayo roon", sabi ko.
"Is there a hotel nearby your house? Doon na lang ako magche-check in".
"Sira. Sa bahay ka matutulog ano ka ba", natatawa ko siyang tinignan.
"Pero I'm still courting you. Is it okay?"
"Alam mo ikaw minsan ang inosente mo tas minsan naman ang landi mo. Hindi ko alam ang gagawin ko sa'yo Rehan", pabiro ko siyang inirapan.
"I'm just a bit nervous kasi I'll be meeting your parents", naiiling niyang sabi.
"Ang cute mong kabahan. Para kang cute na baby", umakto akong nanggigigil at lumapit sa kaniya.
"Your baby", umangat ang sulok ng labi niya.
"Ang laki mo na para tawaging baby", napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
"Then what will you call me if ever ako ang sinagot mo?"
"Ikaw ba anong gusto mong tawag ko sa'yo?" balik kong tanong sa kaniya.
"I'm fine by my name. It really sounds different when you're saying it lalo na if you're mad or naannoy lang", napangiti siya.
"Okay".
"Hala grabe 'to", lumaki ang mata niya sa sagot ko.
"Soleil or sunshine na lang din itawag mo sakin", kinindatan ko siya.
"What if I call you Hemera?"
"Eww", umasim ang mukha ko. "Okay sana kung primera. Parang 'yung alak", humalakhak ako.
Lumapit siya sakin at dahan-dahan akong dinala malapit sa railings ng terrace. Pumunta siya sa likuran ko at pinulupot ang kaliwang braso payakap sakin, "My name is Islamic or Arabic I don't clearly remember what my Mom told me when I was a kid but my name means king", kwento niya habang nakapatong ang baba niya sa ulo ko.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...