47

523 16 23
                                        


Sobrang hirap mabuhay lalo na kung hindi ka sanay sa paligid mo. Dalawang buwan na akong nandito sa States at nakikitira kay Noella. Pareho kaming single ngayon ang kaso, siya may anak na. Sa susunod na buwan siya manganganak.

"Ano ka ba naman!? Tawagin mo ako kapag may ipapaabot ka. Kailangan mong mag-ingat. Haler? May sanggol kaya dyan sa tyan mo", sinermonan ko siya habang pinaghahanda ko siya ng pagkain.

"Oo na. Sorry na po", maingat siyang umupo sa upuan. "Thank you babe", nagflying kiss siya sakin.

"You're welcome babe pero di ko kailangan ng kiss", ngumiwi ako sa kaniya.

"Kamusta na kaya ang barkada? Nahihirapan na siguro ang mga 'yun doon sa Pinas ngayon. Wala ang mother of the group", napabuntong hininga siya.

"Hay naku, ewan ko sa inyo. Hindi ko naman kayo niluwal pero para kayong mga baby ko na kailangan kong alagaan", napairap ako. "Matatagalan akong bumalik bukas. Siguro madaling araw na ako makakauwi. Kinausap ko na si Apollo na dalawin ka muna rito habang wala ako", nagpatuloy kami sa pagkain ng almusal.

"O, napapayag mong alagaan ako nun? Ibang klase ka", namamangha niya akong tinignan.

"Sus, bilib ka na naman", nagpapagpag ako ng balikat na parang nagpapasikat.

Bago ako makaalis papunta sa ospital ay humirit pa si Noella na lutuan ko raw ng sandamakmak na pancake. Siya na raw bahala na maglagay ng syrup pagkatapos kong magluto. Kung hindi ko lang siya mahal at kung hindi lang sana siya buntis, noon ko pa siya binigwasan. Sinusulit niya ang pag-utos sakin e.

Sobrang busy ko ngayon dito sa US compared noong nasa Pinas ako na may konting time ako para magliwaliw. Halos hindi na ako makauwi. Pinipilit ko lang talagang umuwi para macheck ko si Noella.

"Emergency!"

Kasabay kong gumilid ang mga kasama kong doktor nang may isinugod na pasyente papasok sa ospital. Buti sa neuro talaga ako nagfocus kundi lagi rin akong nag-oopera ngayon. Mosty mga GS or CS ang kailangan dito sa ospital. Bilang resident doctor sa neurosurgery, long surgery hours ang katapat ko. Kung nag-GS or CS siguro ako, medyo may time pa ako para makapagkape man lang.

"I can't really imagine that you're an Asian! You're a great doctor. What a shame you need to be born in low profile country", umiling ang isang colleague ko.

"I really wonder how are you so great. What country do you came from again? Philippines?" sabi naman ng isa.

"If you could've watched her hands real close in yesterday's surgery, you'll know in an instant that our skills and knowledge are no match with her", tinapik ng isa ko pang colleague ang nagtanong na colleague ko.

"Thank you for the compliment. But I don't feel shameful right now just because I came from a low profile and low ranking country which is the Philippines. Yes, there's a lot of toxic and uneducated people in my country but I don't regret becoming a Filipino... well sometimes I do. And as for my skills and knowledge, I think it's inborn. Train harder so that you can keep up with me guys", patuya ko silang nginitian.

Shaming people is still famous here. O, kitams napapa-english na rin ako. Bonak. Kung pwede ko lang silang murahin ng harap-harapan e. Pilipinas kaya ang may pinaka-unique na mura. Pakyu, baoninam, tangina, punyeta, bwisit, animal, tanga. Grabe diba!

Pumunta ako sa ICU para icheck ang mga pasyente. Tsaka may partikular din na masyente akong pinupuntahan doon. Naalala ko kasi sa kaniya ang Lola ko. Comatose rin ngayon ang pasyente.

Inayos ko ang fluids na nakakabit sa pasyente. Nagtake notes din ako sa clipboard na hawak. Shallow ang paghinga ng pasyente. Parang kay Lola lang noon. Medyo mahina ang puso ng pasyente kaya kapag bumigay ang puso niya, mamatay siya. Ganun ang nangyari kay Lola. Namatay siya dahil mahina ang puso niya. Hindi niya nakayanan.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon