Hinintay kong lumapat ang labi niya sa labi ko pero hindi nangyari 'yun. Napadilat ako at inis siyang tinignan. Dalawa siya sa paningin ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin, arms crossed at nakaigting ang panga. Naks, pogi!"Hoy 'yung kiss!" reklamo ko.
"Be patient sunshine. It's not yet the right time for that", dumilim ang titig niya sakin.
"Pakyu ka!" napairap ako at bumalik sa pagkakahiga.
"Your mouth ha!" sita niya. "Stay there. I'll cook hangover soup for you. You're a mess", napailing siya.
Napatakip ako ng mukha gamit ang unan. Shuta Soleil! Sinapak-sapak ko ang sarili at napatagilid ng higa. Bumungad sa paningin ko ang isang picture frame ng isang criminology student. Wait bakit familiar?
Napaupo na ako sa kama at kinuha ang picture frame. Tinitigan ko 'yun at pilit na inaalala kung saan at kailan ko na ba ito nakita. "Nakita ko na 'to e", napatingala ako sa kisame.
"Soleil eat ka na", bumalik si Rehan sa kwarto.
Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Rehan at sa picture frame. "Ikaw 'to!?" tinuro ko ang picture frame.
"Yes", ngumiti siya.
Napanganga na lang ako habang buhat-buhat niya ako papunta sa kusina. Maingat niya akong inilapag sa upuan at sa harap ko ay ang bagong lutong soup. Umikot ang paningin ko kaya napasapak ako sa sarili.
"Hey, stop hurting yourself", hinaplos niya ang pisnging sinampal ko.
"Shuta ang wasted ko noon", naalala na ang mga nangyari. "Nakakahiya", umiling ako.
"It's in the past na", nginitian niya ako ulit. "Eat ka na".
Tinitigan ko muna si Rehan. Anong ginawa ko para maging deserving sa pagmamahal niya? Nagmumuog muna ako bago kumain. Medyo nahimasmasan na rin ako sa tulong ng kapeng tinimpla niya.
"You're sweaty", sabi niya habang nagpupunas ng kamay. Kakatapos niya lang hugasan ang mga pinagkainan ko. "Stay here. I'll prepare the bathroom".
Sinundan ko siya ng tingin at hinintay na lang siyang bumalik. Grabe sobrang nahihiya na talaga ako kay Rehan. Parang nagiging pabigat ako sa kaniya e dapat kaya ko na ang sarili ko.
Iginala ko ang paningin sa unit niya. Minimal lang ang design at may isang picture frame na nakasabit ang pumukaw ng atensyon ko. Nakalaminate sa loob ang isang note.
"Shuta penmanship ko 'to ah", napatakip ako ng bibig nang malapitan ko ang picture frame. "Binigay ko naman 'yung number ko e bat hindi man lang niya ako tinawagan?"
"Because you said after 7 or 8 years pa pwede or when you'll top the board", napapitlag ako dahil kay Rehan.
"Wag ka namang nanggugulat wala naman tayo sa horror house", napahawak ako sa dibdib.
"Sorry", ginulo niya lalo ang magulo kong buhok.
"Nakakahiya talaga ako. Grabe buti hindi mo ako sinampahan ng kasong trespassing noon", napakagat ako sa labi.
"Well if I did that edi sa jail ka mabubuhay hindi sa piling ko", kumindat siya.
"Patingin nga ako ng mata mo at baka ikaw talaga ang nakainom sa ating dalawa", hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"I'm drunk with your love Hemera Soleil", naging husky ang boses niya at may kung anong kuryente akong naramdaman sa katawan.
Binuhat niya ako papunta sa banyo. Bigla namang humilab ang tyan ko at nagsuka kaagad sa toilet. Mabuti at malinis ang banyo kaya hindi ako nadiring lumuhod sa tiles. Hinagod ni Rehan ang likod ko at nakaipon sa isa niyang kamay ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...