27

552 18 14
                                        


Umagang-umaga ay tumawag na agad si Noella sa Zoom kaya nagising na rin ako. Iyak siya ng iyak, parang ako lang dati, kaya wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

"Informed ka naman siguro na 12 hours ang agwat ng oras natin diba!? Punyeta Noella alas kwatro pa lang ng umaga dito hoy!" iritable ko siyang sinigawan pero patuloy lang siya sa pagsasalita habang umiiyak.

Umirap ako, "Puta kumalma ka nga wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi mo", sabi ko kaya napainom siya ng tubig.

"S-si Cael nagpropose na s-siya", Aniya kaya napanganga ako at napakurap-kurap.

Ngumiti ako pero hindi pinakita sa kaniya, "Nagpropose pala e bat ka umiiyak? Kainis ka sana all malandi", napakamot ako sa ulo at bumangon na sa kama.

"Hindi ka ba masaya para sakin? Hoy!" mukha siyang disappointed sa reaksyon ko.

Nagkunwari akong sarcastic na ngumiti pero ang totoo ay masaya talaga ako para sa kanilang dalawa ni Cael. Hindi rin naging madali para sa kanilang dalawa ang pagsubok nabinigay ng Diyos at ginamit pa ang oras maging ang distansya.

"Kailan ang kasal?" tanong ko.

"Pagplaplanuhan pa namin. Ikaw bridesmaid ha!" Aniya, excited pa kaya natawa ako.

"Iindianin ko kasal niyo", biro ko kaya minura niya ako.

Naghanda na ako para pumasok sa ospital. I'm now a 3rd year resident doctor and there's 3 more years para matawag akong neurosurgeon. Puta 'yung sinasabing mahina ang utak ngayon nasa 3rd year residency na!

Pumasok ako sa opisina which I share with 2 senior doctors and 3 more resident doctor na nasa neurosurgery department din.

Dra. Soleil Valencerina, Neurosugeon

Ngumiti ako habang tinitignan ang nameplate ko. Hinaplos ko 'yun na para bang 'yun ang pinakamahalang bagay na pagmamay-ari ko. May napatunayan na ako konting kembot na lang talaga pwede na ulit akong lumandi. Charot.

"Dra. Valencerina pinapatawag na po kayo sa meeting hall", isang nurse ang tumawag sakin kaya inayos ko ang sarili.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Sobrang lusog na ng eyebags ko dahil sa laging long working hours kaya nilagyan ko na lang ng concealer. I'm wearing my scrubs which is the proper uniform of a surgeon, well soon to be, at ang puting roba ko. Inayos ko ang pagkakabun ng buhok ko saka tinignan ang oras, 9:30 in the morning. Sampung taon na rin pala ang lumipas.

Habang naglalakad ako sa hospital corridors na parang naging tahanan ko na rin ng halos isang dekada, sa unang pagkakataon ay naramdaman kong kagalang-galang ako. Maraming pasyente ang bumabati sakin na siyang hinahandugan ko na lang ng tipid na ngiti.

"Hi ate doctora!" bati ng mga batang nadadaanan ko. Nginingitian ko lang rin sila at kinakawayan. Ano ba 'to para namang nasa runway ako charot. 

Pagpasok ko sa meeting hall, puro nakaputing roba ang sumalubong sakin kasama ang iba pang health worker ng ospital. Dati pangarap ko lang na makapagsuot ng putting roba at ang pagsabit ng isang stethoscope sa leeg.

"Good morning Dra. SV," bati ni Cianyx, cardiologist siya dito sa ospital. SV, shortcut ng pangalan ko kasi ang haba raw ng apelyido ko.

"Good morning din", nginitian ko siya. "May ideya ka ba kung tungkol saan ang meeting ngayon? Hindi kasi ako nagbasa ng agenda", napakamot ako sa batok.

"Magkakaroon ata ng promotions," Aniya.

"Mga nurse at doctor ang mga mapro-promote", tinabihan kami ni Czarlotte, pediatric resident doctor siya dito sa ospital.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon