Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang picture ng isang criminology student na nakasuot ng military uniform. Natatakpan ng sombrero niya ang bandang mata kaya ang matangos na ilong at manipis na labi lang ang kita sa litrato.Lumaki ang mata ko nang marealize kong wala akong ganung picture sa condo kaya agad akong napatayo at umalis sa higaan. Inilibot ko ang paningin sa kwarto at sobrang kapareho ng unit ko kaso panglalaki 'to. Nahagip ng mata ko ang isang pigura ng lalaki na natutulog sa study table niya. Nakatalikod ito sakin at nakaharang pa ang braso nito sa mukha.
Nilibot ko ang condo niya at parang biglang gusto ko na lang tumira dito. Sobrang linis at nasasatisfy ang pagiging OC ko. Nakita ko ang isang susi na katulad na katulad ng susi ng condo ko. Pareho rin ang unit number at same floor pa, napaface palm ako ng mahina. Bonak! May twin condominium pala 'yung condo na tinitirhan ko at sa kabilang street lang nakatatayo. Puta iba ang napuntahan ko!
Nilingon ko ulit ang lalaking mukhang mahimbing ang tulog kahit medyo uncomfortable ang posisyon niya. Doon ko lang naalalang icheck ang sarili. Pinakiramdaman ko at wala namang masakit bukod sa ulo ko dahil sa alak kagabi. Gumalaw ang lalaki kaya kinabahan ako kaagad.
Tahimik akong pumunta sa kusina para ipagluto siya ng breakfast para pampalubag loob at pasasalamat na rin. 5:30 na ng umaga at dapat matapos ako agad para makaalis na. Habang busy akong nagluluto ay biglang may mabalahibong nilalang na humaplos sa paanan ko.
"Hayop!" napasigaw ako ng konti pero agad ding kumalma nang makitang pusa lang pala. "Ang cute mo naman ano kayang name mo?" hinaplos ko ang pusa at mukhang nagustuhan nito.
Parang alam ata ng pusa ang tinanong ko at sumagot pa siya, "Myeeoow".
Kiniliti ko siya sa leeg at napapikit pa ang pusa na parang nagugustuhan talaga ang gingawa ko. "Aysus kaykayat na met", tumawa ako.
[ Trans: Aysus gustong-gusto niya naman ]
Hinayaan ko ang pusa na umaaligid lang sa paa ko at pinagpatuloy ang pagluluto. Dahil napakatahimik ay naisipan kong maghumming ng isang energetic na song pero mahina lang.
Nang maihanda ko na ang table maging ang mga pagkain na niluto ko ay binalikan ko ang lalaking natutulog sa study table niya. Kumuha ako ng sticky note at nagsulat doon. Kasama kong isinulat ang number ko para kung sakaling gusto niyang humingi ng kapalit ay macocontact niya ako. Yung legal na kapalit naman sana. Idinikit ko ang note sa braso niya at nagtungo na sa pinto.
Sinundan ako ng pusa at nagmyeow pa, "I'm so sorry cutie pero iiwan na kita dito ha. Gusto kong mameet mo rin mga alaga ko tapos gusto rin kitang alagaan. Babye na muna", hinaplos ko ulit ang pusa.
Bumalik na ako sa unit at agad na naligo. Malamig na tubig ang pinangpaligo ko para mawala ang pagkalasing ko. Punyeta bakit ba ako naglasing? Ang sakit tuloy ng ulo ko tsaka kadiri amoy alak ako. Nakakahiya talaga doon sa lalaking may ari ng unit kanina.
Napapikit ako nang maalala na nakipagbreak pala ako kay Jared. Sumabay ang mga luha ko sa patak ng tubig mula sa shower. Ang sakit palang makipagbreak, ayaw ko ng magjowa! Charot. Gusto kong magkapamilya at sana hindi ako baog.
In-on ko na ang phone at tama nga na sobrang daming texts at calls galing kay Jared. Ayaw kong basahin at baka balikan ko lang siya ulit. Nahiga ako sa kama matapos kong pakainin sila Nebula at Eclipse.
Habang nakahiga ay naisip ko ulit ang lalaking may ari ng unit kung nasaan ako kanina. Hindi ko sigurado kung gentleman lang talaga siya o sadyang hindi niya ako type. Charot. Magmimilitary kaya siya? O abogado?
Mabuti na lang at may pahinga ako ng isang linggo bago magpasukan ulit pero parang hindi naman ata magpapahinga ang puso ko. No more lunch and dinner dates every Monday and Friday. Wala na akong kasamang bibili ng groceries. Wala ng uubos ng delight ko sa ref. Wala ng mangungulit at magpapansin sakin. No more brunches in Amor Bakery on Sundays. No more Jared. Mag-isa na lang ulit ako.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...