Mamaya ay magshu-shooting kami ng film sa bahay nila Matthew para matapos na. Last scenes na lang naman ang ififilm at kailangan naming setting ay sa rooftop. Tamang-tama naman at may ganun ang bahay nila Matthew.Nasa auditorium kami ngayon ng school para sa closing program ng Buwan ng Wika. Katabi namin ang section nila Ruel and as usual he's with his girl friends. Konti na lang talaga ay iisipin kong bakla siya.
"Number 3! Number 3!"
"Two! Go number 2!!"
"#1 for the win!"
Rinig na rinig ang mga sigaw ng mga students habang rumarampa ang mga lakambini at lakandula. Tahimik lang akong nanuod pero pambato ko 'yung candidate number 2, both the lakandula and lakambini deserves to win dahil kita talaga ang confidence nila maging ang talent na pinakita nila kanina ay nakakaamaze.
Sa huli ay nanalo ang candidate #2 kaya naman tapos na ang program. Pumunta kami sa stage para magpapicture sa kanila. Naamaze naman ako sa kagwapuhan at kagandahan ng mga nanalo. Hindi naman kasi ako ganun kaganda kaya naamaze talaga ako sa mga hitsura nila tsaka 'yung mga katawan nila, naku mukhang model.
Bumalik kami sa classroom after ng program at naglinis. Nagkayayaan kaming tatlo ni Kylie, Noella at ako na pumunta sa I love Milktea. Ayaw kasi ni Mia na sa bahay niya tumambay kaya doon na lang kami pupunta.
Dala ni Noella ang laptop niya para magdownload ng anime habang kaming dalawa naman ni Kylie ay nanunuod lang ng mukbang sa Youtube.
"Shuta naman Kylie. Wala na nga tayong kinakain bukod dito sa milktea, gusto mo pang manuod ng mukbang. Ginugutom mo lang ang sarili mo e", tinignan ko siya ng masama.
"Bwisit ka pa. Kaya nga ako nangdadamay para hindi lang ako 'yung magutom at matakam", inirapan niya ako.
"Pauso ka! Balakajan", sumandal ako kay Noella at pinanonood na lang siyang magdownload.
Nang mag-ala una na ay umalis na rin kami at bumalik sa school. Wala na kaming naabutan sa classroom dahil sarado na ito. Hindi na kami siguro nahintay nila Mariah.
"Text ko saglit si Mariah", tinext ko si Mariah.
Kinalabit naman ako ni Noella habang pasimpleng tinuturo ang tao sa tapat ko. Nag-angat naman ako ng tingin at muntikan ko ng mabitiwan ang phone. Nakatitig sa akin si Ruel!
Mabilis akong napakurap-kurap bago ibinalik ang tingin sa phone ko. Grabe ang pigil ko sa kilig dahil ramdam ko pa rin ang titig ni Ruel. Gusto ko siyang kausapin para sabihing 'staring is rude' pero hindi ko kaya, laging umuurong ang dila ko kapag siya na ang kakausapin.
Dalawang metro ang layo namin but his stare is piercing my skin, para akong tinutunaw. Nang makalabas ng cr si Kylie ay nag-aya ako agad na umalis. Hindi ko na kaya 'no! Kinakapos na ako ng hininga.
"Kuya doon lang po sa may bakery", kinausap ko ang tricycle driver.
"Hoy Soleil wala akong pamasahe! Naubos na sa milktea kanina", hinila ni Kylie ang buhok ko.
"Ako ang magbabayad shuta ka!" inirapan ko siya at inayos ang pagkakatali ng buhok.
Pagkarating namin ng bahay nila Matthew ay nadatnan namin silang nagpo-photoshoot para sa poster ng film. Ang iba naman ay nasa rooftop na at nireready ang setting ng scene. Nahirapan silang paakyatin ako sa rooftop dahil takot ako sa matataas pero nakayanan ko naman at buhay pa ako. Pinayungan ko ang si Steve, camera man namin, mag-aalas dos na rin kasi ng hapon.
"Imemorize niyo munang mabuti mga lines niyo para hindi maraming takes mamaya", sabi ni Ryleigh.
"Itutulak ko talaga si Stephen papunta sa water tank? Baka mapalakas 'yung tulak ko sa kaniya", alanganin ang pagkakasabi ni Jared.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...