25

625 24 16
                                        


Isang linggo na rin ang nakalipas nang magtake ako ng licensure exam. Tahimik lang akong naghihintay sa results habang nag-aasikaso ng mga pasyente. Hindi pa ako nagsimula sa residency dahil pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko na kaagad o magbabakasyon muna.

"Hi ate Soleil! Ngayon ata lalabas ang results ng exam diba?" nilapitan ako ni Shazia nang makita niya ako.

"Oo ngayon ang labas ng results. Medyo kinakabahan nga ako e  baka hindi ako nakapasa. Tsk, paktay ako girl", natawa ako sa sagot habang inaasikaso pa rin ang pasyente sa harap ko.

"I'm sure you did great! Ikaw pa!" mahina niya akong binunggo sa pwet. "Una na ako doctora at mag-aaral pa ako para maging katulad kita. Libre mo ako ah kapag nakapasa ka!" Aniya.

First year med-student na siya at may pharmacy license rin which is my dream and plan noong una kung hindi ko lang nalaman ang Intarmed program ng UP Manila. Bigla namang nag-on ang speaker ng ospital at may sasabihin atang announcement.

"Magandang araw po sa ating lahat. Gusto po naming bumati sa ating mga bagong doktor! Lumabas na po ang resulta ng board exam at malugod po nating batiin ang topnotcher na mula dito sa ating ospital", sabi ng nag-aannounce sa speaker.

People started clapping and cheering. Todo bati pa sila sa mga doktor na nakakasalubong nila. Naibalik ko ang atensyon sa pasyenteng inaasikaso ko dahil nagsalita ito.

"Ikaw ba ang topnotcher ija?" tanong ng pasyenteng inaasikaso ko.

Nginitian ko siya, "Naku hindi po ako sigurado dyan 'nay. Hintayin na lang po natin ang sasabihin nila", magalang kong sabi.

"I hope our topnotcher's listening. Congratulations Dra. Soleil Valencerina! You brought honor to our hospital and to UP Manila", sabi ng nasa speaker kaya nagsimulang lumingon sakin ang mga tao.

"Sabi sa'yo ikaw ang topnotcher ija", sabi ng pasyenteng inaasikaso ko.

Dahil doon ay napayakap ako sa kaniya, "Salamat po!" tumingala ako bilang pasalamat sa Diyos sa tagumpay na binigay niya.

Tinawagan na rin ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko muna sila sinagot. Mamaya na lang kapag nakauwi na ako. Nagtext na rin ako sa parents ko at ibinalita sa kanila na topnotcher ako.  Sana maging proud na sila sakin. Ang hirap kasing ipakita 'yung halaga sa pamilya mo kung pagkakamali lagi ang nakikita nila sa'yo. Bahala na nga at least may napatunayan na ako. Tumawag si Mama kaya sinagot ko kaagad.

[Congratulations anak! Kailan ang uwi mo dito?]

"Thank you po! Hindi ko po sigurado ang uwi ko dyan kasi aayusin ko pa ang mga papeles para sa residency ko", sagot ko sa kanila.

[Basta umuwi ka dito ha. Maghahanda tayo at ipagmamayabang kita dito]

Nawala ang ngiti ko. So I'm just a show off, "Sige po Ma may aasikasuhin pa ako dito. Bye na po", hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama at pinatay na ang tawag.

Kinalma ko ang sarili at pinigilang wag umiyak. Soleil, kalma okay? Doktor ka na kaya ngiti na. Inisip  ko na lang ang magandang balita na topnotcher ako keysa sa pagiging show off ko kapag umuwi ako sa probinsya. 

Ipinatawag ako sa office dahil may mahalagang sasabihin daw sakin ang mga board members ng ospital. Pinadiretso nila ako sa parking lot at doon ay nadatnan ko silang may pa-congratulation banner para sakin at sa mga kapwa ko doktor na kakapasa lang rin.

"Here's a gift for our topnotcher!" bati sakin ng director ng ospital at ibinigay sakin ang susi ng isang sasakyan.

Sakto rin namang tinanggal nila ang takip ng kotse na regalo para sakin. Isang kulay machine grey na Mercedes Benz E-class Sedan ang nasa harap ko. Shuta mahal 'to ah! Napakurap kurap ako dahil sobrang gara ng kotse at hindi lang doon, dahil din kasi sa hindi ko alam magdrive ng four wheels.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon