6

795 34 17
                                        


Natuloy ang paglipat nila Ruel at Kingson sa section ng mga kaibigan nila. Kaya naman the next day, habang nasa hallway kaming dalawa ni Kylie ng Building 1 kung saan located ang room namin, ay naabutan namin sila Ruel at Kingson na paakyat sa 2nd floor para lumipat na sa kabilang section.

Nilapitan ko sila para makausap siya, "Lillipat na talaga kayo?"

"Don't worry magkakaibigan pa rin naman tayo, one floor away lang kami", niyakap ako ni Kingson.

Tanging ngiti lang ang nakuha ko kay Ruel. Ang daya napakareserve naman tapos maski hug lang ayaw pang ibigay. Umakyat na sila sa 2nd floor at pumasok na rin kaming dalawa ni Kylie sa classroom.

Naabutan namin si Noella na kinakausap ng adviser namin. Gusto niya ring lumipat ng strand, from HUMSS to STEM, kaya ngayon nagfifill-up siya ng forms para maging classmate na namin siya ngayon.

Nang matapos siya ay nagsalita si Sir Flores, "Meet your new classmate, Eilish Noella de Guia".

Ang mga hindi niya kakilala ang bumati sa kaniya kami namang barkada ni Noella ay tinawanan siya at inasar.

"Ibang strand pa kasi e dito lang rin pala ang bagsak mo", sabi ni Kylie.

"Sabi ko gusto ko ng new environment pero hindi ko naman nagustuhan doon. Parang ako lang ang competitive doon e", sagot ni Noella.

Atleast ngayon ay hindi na siya mahihirapan na pumunta sa classroom namin kapag lunch. Kasama ko na ang bestfriend ko kaya okay na rin kahit wala si Ruel.

Isa sa mga ayaw ko na ugali ni Noella ang pagiging sobrang competitive niya minsan kahit masama na 'yung nagagawa niya e wala siyang pake. Para bang gusto niya mas lamang kami e samantalang gusto ko laging patas. Alam niya lagi ang gusto niya pero indecisive siya pagdating sa mga materyal na bagay.

Mabilis na lumipas ang araw at first Friday na agad ng June. Kagabi sa group chat namin ay nabuking ako kay Ruel. Mga traydor na kaklase hmp! Pasimuno pa si Kaye, 'yung President namin. Kainis!

Half day lang kami every friday kaya naman nagkayayaan kaming barkada na magmilk tea. Pero bago 'yun ay kinuha muna namin ang year book namin sa grade 10 adviser namin. May mga natira pa sa room namin dahil doon na lang daw sila magla-lunch. Nang maka-order na kaming lahat ng gusto naming milk tea ay may nagchat sakin. Si Raffy, elementary classmate ko na tropa naman ngayon ni Ruel.

Raffy: Hoy bumalik ka ditong bruha ka! Nandito si Ruel hinihintay ka!

Shit! Yayakapin pala ako ngayon ni Ruel! Sa dinamirami ng kailangang makalimutan bakit 'yun pa! Kagabi kasi sabi niya yayakapin daw niya ako kasi hindi niya ako nayakap noong umalis siya.

Soleil: Pakisabi pawait ako bumili lang ng milk tea. Nakalimutan ko kainis!

Raffy: Sige, nanunuod lang naman kami ng movie dito sa classroom nila.

"Tara na balik tayo sa school! Yayakapin pala ako ni Ruel kainis nakalimutan ko", nauna na ako sa paglabas sa pinto ng store na pinagbilhan namin.

"Landi mo kakastart pa lang ng klase e", inirapan ako ni Kylie.

"Hoy wag ka nga minsan lang akong lumandi", inirapan ko rin siya.

"Una na kami Soleil ha. Goodluck na lang", sabi ni Shayne. Sumabay na rin si Noella sa kanila dahil may lakad pa daw.

Nagmamadali kaming bumalik ng school. Naadrenaline rush ako! Ganito naman siguro lahat kapag gustong-gusto mong mayakap ang crush mo tas nakalimutan mo tas feelingera kang pa-VIP. Nyeta minsan lang mabuhay kaya maglowkey harot na sa crush.

Nakarating kami sa classroom namin, hingal na hingal. Nagpahinga kami sandali at ako naman ay nag-ayos. Nakakahiya naman kasi pinaghintay ko na nga siya tapos yayakapin niya ako tapos maamoy niya na hindi ako mabango!

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon