31

548 16 40
                                        


[Hindi ako pwede, lodicakes. Strict si Shayne lately]

"Ganun ba men? Tsk sige mag-isa na lang akong iinom", sagot ko kay Daryl sa phone.

[Baliw ka! Magpasama ka kila Matthew at Olyx o di kaya kay Kris]

"Hindi naman ako masyadong magpapakalasing tas sa bar ni Bennett ako iinom", lumabas na ako sa unit at nagtungo sa elevator.

[Basta hanggang 10 shots ka lang ha tas tawagan mo ako pag di mo kayang magdrive]

"Ay dabe-dabest ka talagang alipin", humalakhak ako.

Tinignan ko ang repleksyon sa elevator. Nakasuot ako ng khaki velvet cami crop top na tinernuhan ko ng dark high waisted jeans at nagtan flat sandals na lang ako para sa paa. Hinayaan kong nakalugay ang wavy hair ko na medyo inayos ko ang pagkakakulot. Hindi ko rin kinapalan ang make-up kahit na tinurun na ako nila Shantal at Kylie. Makikipagtsimisan lang naman ako sa bartender e.

Wala pang trenta minuto ay nakarating na rin ako sa bar na pagmamay-ari ni Bennett. Mag-aalas onse na ng gabi kaya marami-rami na rin ang tao dito. Kahit pagod ako galing sa ospital ay gusto ko pa ring uminom.

Umupo ako sa stool at hindi pinansin ang ingay ng club. Shuta ang daming nagme-make out sa gilid. Nginitian ko ang bartender nang mapansin niya ako.

"Your usual order ma'am?" ngumiti ang bartender sakin.

"Korek ka dyan", mahina akong tumawa.

Tahimik akong nagcellphone habang hinihintay ang order ko. Naka-ilang text na sakin sila Noella na samahan ko raw sila sa Tagaytay. Magrereply na sana ako kaso bigla naman siyang tumawag. Tinakpan ko ang speaker para ako lang ang marinig niya.

[Hoy kanina pa kita tinetext]

"Alam ko", walang gana kong sagot.

[Nasa bar ka ba!?]

"Bar ni Bennett", umikot ako sa stool at tinignan ang mga taong sobrang wild na sa dance floor.

[Bwiset ka Soleil! Andito na kami sa Tagaytay tas ngayon ka lang magsasabi na iinom ka!]

Narinig ko ang sigaw ni Kylie. "Bwiset ka rin bitch! Gusto kong uminom mag-isa kaya wapakels kayo", napairap ako.

[Ay aba maattitude ka talaga]

Narinig ko ang komento ni Mia. "Babush na. Ingat kayo dyan sa biyahe niyo", lumabi ako.

[Ikaw ang mag-ingat! Mamaya may makasex ka na dyan!]

"Gaga!" pinatayan ko ng tawag si Noella.

Bumusangot ako nang may nakita akong kumindat sakin. I mouthed 'ang pangit mo' sabay irap. Bigla namang umaliwalas ang ekspresyon ko nang makita ko na ang order ko sa harapan ko. Nakaharap sakin ang tatlong shotglass ng four horsemen. Pinaghalong Jack Daniel's, Jim Beam, Johnnie Walker at Jameson. Nilatagan niya rin ako ng ngangatngatin at limang slice ng lemon.

Inistraight kong ininom ang unang dalawang shotglass. "Kamusta lungs mo doctora?" mahinang natawa ang bartender.

"Gumagana pa rin naman. Tsaka bat mo alam na doktor ako ha?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Yang kwintas mo", nginuso niya ang kwintas ko.

Napahawak ako doon. "Ah ito ba? Bigay sakin 'to ng magulang ko bago ako pumunta dito sa Manila para mag-aral ng medisina", malungkot akong napangiti.

"Ilang baso ang mauubos mo ngayon ma'am?"

"Hanggang sampu lang daw sabi ng best friend kong lalaki pero dahil matigas ang ulo ko at ayaw kong kinokontrol ako ay dodoblehin ko ang bilang. 20 shots pre", pilya akong ngumiti.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon