34

488 15 16
                                        


Hindi ko inasahan ang pagbabalik ni Ruel. Mas nagmature siya at pumogi lalo. May makulit din na mga hibla ng buhok niya na ayaw makisama sa gel na ginamit kaya bumaba ito sa bandang noo niya. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya habang nagda-drive papuntang ospital. Ihahatid niya raw kasi ako.

Nakasuot siya ng puting polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko, dark brown pants at brown ankle boots. May wrist watch din siyang brown at konti na lang ay iisipin ko na favorite color niya ang brown kahit sa pagkakatanda ko ay blue ang paborito niyang kulay.

"Hindi ako nainform na babalik ka na pala", basag ko sa katahimikan.

"Sabi ko diba see you after 10 years", sagot niya.

"Late ka na ng five months", sabi ko.

"I'm referring to your age hindi 'yung araw na sinabi ko talaga na see you after 10 years", paliwanag niya kaya napatango na lang ako.

Naghari ang katahimikan sa amin. Ayaw ko siyang kausapin. Basta ayaw ko. Alam ko namang tinutupad niya lang ang pangako niya but still ewan ko naiirita ako sa kaniya.

"Sabay tayong maglunch. Puntahan kita mamaya", sabi niya habang pababa ako sa kotse niya.

"Sure", nginitian ko siya at nagpaalam na.

Napabuntong hininga ako pagkatapos ng pag-aassist ko sa senior doctor. Anim na oras ang itinagal ng surgery at nalipasan na rin ako ng gutom. Hindi pa ako naglalunch. Shit! May usapan pala kami ni Ruel! 

Nagulat ako nang makita ko siya sa canteen ng ospital. Nagssketch siya at mukhang hinihintay ako. Nilapitan ko na siya para humingi ng paumanhin dahil pinaghintay ko na naman siya.

"I'm sorry pinaghintay kita", nag-angat siya ng tingin sakin.

"Sanay na ako", napakurap-kurap ako sa sagot niya. "Upo ka na dyan ako na ang oorder", Aniya at pumunta na sa service counter.

Tinignan ko ang ini-sketch niya. Isang beach house na may dalawang palapag. Hindi pa detailed ang sketch pero alam kong maganda ang kalalabasan nito. Hindi kumupas ang galing niya sa arts na siyang nagustuhan ko sa kaniya noon. Inilapag niya ang pagkain ko. Fried chicken at tinolang manok ang ulam na binili niya para sakin.

"Natatandaan ko na masarap lagi ang kain mo kapag fried chicken ang ulam at bonus lang 'yang tinola", Aniya saka binuksan ang sprite na inumin ko.

"Salamat", maikli kong sagot. 

Nagsimula kaming kumain. Walang imikan. Bigla siyang tumikhim at nagtanong.

"So anong status natin Soleil?"

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. Gusto kong maging honest na wala na akong feelings para sa kaniya kaso alam kong masasaktan siya. Uuntiin ko muna para medyo bawas 'yung sakit.

"Ligawan mo muna ako", nginitian ko siya.

"Okay", ngumiti rin siya pabalik.

Sinubukan niyang mag-open ng topic para may mapag-usapan kami pero tipid ko lang siyang sinasagot. Nagkapalitan na kami ng sitwasyon. Noon ako ang ganadong makipag-usap sa kaniya pero ngayon ay parang hangin lang ang turing ko sa kaniya.

Alam kong medyo rude ang turing ko sa kaniya ngayon pero kasi nagi-guilty lang ako. Nahuhulog na ako kay Rehan. Ay hindi, scratch that. Hulog na ako kay Rehan kahit alam kong babalik pa si Ruel.

"Earth to Soleil", kumaway siya sa harap ng mukha ko para kunin ang atensyon ko.

Huminga ako ng malalim, "Sorry napagod kasi ako sa surgery kanina".

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon