1

2.7K 65 18
                                        


Halo-halo ang emosyon ko ngayon habang tinitignan ang mga kaklase ko na nagsasagot ng final exam namin. Magiging junior high completer na kami in no time. Sobrang tahimik namin at parang konektado kami na kung ano ang nararamdaman ng isa ay ganun din ang lahat. Before leaving the room, nagpatugtog kami ng kantang gusto naming iplay sana sa Moving Up.

Ito na ang ating huling sandali

'Di na tayo magkakamali

Kasi wala ng bukas

Sulitin natin ito na ang wakas

Kailangan na yata nating umuwi ~

Lahat kami ay sumabay sa kanta. May mga nagyayakapan pa nga e tapos 'yung iba nagtatawanan. Meron din namang nagrarock n' roll, isa ako doon.

"Tignan mo 'tong si Soleil! Ang liit liit na tao pero ganyan ang kilos", tukso ni Matthew.

"Maliit ka rin naman", pabiro ko siyang inirapan at nagtawanan kami. Nang magchorus na..

Paalam sa'ting huling sayaw

May dulo pala ang langit

Kaya't sabay tayong bibitaw

Sa ating huling sayaw~

"Luh iyakin ka talaga!" niyakap ako ng barkada.

"Mamimiss ko kasi mga kagaguhan niyo", sumandal ako kay Flaire.

"Ako na lang yakapin mo Soleil nagmumukha kang dwende e", hinaplos ni Czarlotte ang buhok ko.

"Langya ka", hinarap ko siya habang nagpupunas ng luha. Kay Noella na lang ako sumandal, best friend ko.

"Ang drama mo leader", prenteng umupo si Mariah sa armchair.

"Sino ba kasing naglagay sakin sa posisyong 'yan? Barkada tayo hindi kulto", biro ko.

"Ako", naghair flip si Shantal. "Ngayon ka pa aangal e two years na ang barkada", tinaasan niya ako ng kilay.

"O, 'yang kilay mo alam namin makapal at natural na on-flick", sabi ni Lianna habang naglalagay ng powder sa mukha.

"Pansinin mo rin 'yung akin Lian", tinuro ni Kylie ang kilay niya.

"Hi kilay ni Kylie", sabi ni Lianna na naging dahilan ng tawanan namin.

"Tuloy ka ba sa Kingfisher Amethyst?" tanong ni Shayne habang naglalaro ng ML kasama si Daryl, boyfriend niya.

"Hindi ko pa alam", nagkibit balikat si Amethyst, busy sa LinePlay.

"Ikaw Shans? Sa Lyceum ka na talaga?" tanong ko.

"Oo, maganda raw ang HUMSS nila", sagot ni Shantal habang nagprapractice ng isang dance routine.

"Ay si Flaire sa Kingfisher din noh?" tumango si Flaire sa tanong ni Czarlotte.

"Sabagay maganda kasi ABM nila doon", sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Mia.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kasi valid naman 'yung reason para maging masaya kasi may parte ng buhay ko na natapos na. Pero hindi ko magawang maging masaya kasi naiisip ko ang barkada. Yung mga nakasanayan kong gawin kasama sila, mag-iiba na next year.

Pagod akong umuwi sa bahay. Tulad ng gawain ng isang ordinaryong estudyante ay ganoon rin ang gawain ko. Pumunta muna ako sa likod-bahay pagkatapos kong batiin ang parents ko.

"Tiger! Maley! Choco!" tawag ko sa mga pusa namin at sinalubong naman nila ako.

Stress reliever ko sila kasi napakabibo nila at paborito ko talaga ang mga pusa. Nilaro ko pa sila hanggang sa tumunog na ang sirena na nagsasabing alas sais na. Kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. Naghalf bath lang ako dahil hindi naman ako gaanong pinagpawisan sa school.

Nang medyo gumabi na at tapos na rin ang lahat ng gawaing bahay sa araw na ito ay nahiga na ako sa kama. Nagtwitter muna ako at ang feed ko ay tadtad ng pamamaalam sa section namin. niretweet ko lath ng mga twwets nila. Mamimiss ko talaga sila.

Mabilis ang paglipas ng araw at Biyernes na agad. Nagpapapirma lang kami ng clearance ay wala na masyadong ginawa. Kaya naman nagkayayaan kaming apat ni Noella, Mia, Linhay at ako para manuod ng sine.

Hindi na namin inaya ang ibang kaibigan namin kasi may sarili din silang plano tapos 'yung iba busy pa sa school requirements. Nauna na kaming tatlo sa mall at nagpaiwan muna si Noella dahil sasamahan niya ang kapatid na magpa-enroll.

"Mag la-lunch ba kayo? Bili na lang ata tayo ng pagkain sa groceries para makamura", suggest ni Linhay kaya naman sumang-ayon na rin kaming dalawa ni Mia.

Magbabayad na sana kami nang mapadaan kami sa wine section at may isang alak na nakakuha ng atensyon namin. Emperador Uno, hindi naman mukhang matapang at mukha lang tubig. Kaya naman kumuha kami ng isa dahil sabi ni Linhay ay iinom kaming tatlo doon.

"Tig-isa kaya tayong tatlo?" tanong niya, tinutukso kami. Tumawa lang kaming dalawa ni Mia at humindi sa suggestion ni Linhay bago kami nagbayad sa counter.

Kinakabahan kami na baka hingin ang I.D. namin for age confirmation pero hindi naman hiningi or nagtanong 'yung cashier. Kaya naman dumiresto na kami sa sinehan.

Katext ko si Noella dahil on the way pa lang siya e 10 minutes na lang ay magsisimula na 'yung movie. Nasa akin 'yung alak at buksan ko na raw sabi ni Linhay. Siya ang unang uminom, maliit na lunok lang tapos binalik niya sa akin.

"Ang pait Soleil! Sa'yo na 'yan. Baka si Mia gusto niyang tikman", sabi ni Linhay kaya pareho kaming napatingin kay Mia na pinapapak na ang onion rings na binili namin sa grocery.

"Ayoko ayoko", pagtanggi ni Mia kaya hindi na namin siya pinilit.

"Scam talaga 'tong si Mia. Sa'yo na 'yan Soleil", sabi ni Linhay kaya itinabi ko na muna sa lagayan ng inumin. Nacurious naman ako kung anong lasa kaya uminom ako.

Nanuot ang pait at anghang sa lalamunan ko. Napapikit ako at parang gusto kong isuka 'yung ininom ko. Lumabas na ako para sunduin si Noella. Alam kong tipsy na ako dahil unti-unting umiikot ang paligid ko.

Hinanap ko pa siya sa mall kahit nahihilo na at nakita ko siyang nakatayo malapit sa McDo kaya nilapitan ko na siya agad. Mas gusto kong gamitin ang hagdan kasi takot akong gamitin ang escalator e wala namang elevator, mas maganda sana kung 'yun na lang.

"Bumili kami ng alak," bulong ko at kumapit ako sa braso ni Noella kasi nahihilo nga ako.

"Bakit naman? Naglunch ba kayo?"

"Nagkayayaan kaming tatlo na bumili tsaka hindi kami naglunch. Bumili kami ng pagkain sa grocery", sagot ko habang bumibili kami ng ticket niya.

Pumasok na kami ulit sa sinehan pero 'yung nirereserve namin na upuan para kay Noella ay nakuha na. May dalawang bakante sa taas namin kaya doon na lang kami umupo ni Noella.

Pabiro ko siyang inofferan ng alak at tinawanan niya lang rin ako. Uminom ulit ako at nanuot muli ang pait sa lalamunan ko. Itinabi ko na 'yun para panuorin ang pelikula.

Dalawang pasyente ang bida sa movie at bawala silang magkaroon ng physical contact. may limang talampakan lagi ang layo nila. Sobrang focus ako sa movie nang maramdaman kong mas tumindi ang hilo ko. Lumapit ako kay Noella.

"Nahihilo ako, pahiga ako sa lap mo ah", sabi ko at hindi hinihintay ang pagsang-ayon niya.

Mayamaya pa ay hindi ko na namalayan ang nangyari. Hindi na ako nanunuod ng movie at black na lang lahat ang nakita ko.

Anong nangyayari?

-----------------------------------------------------------

Votes and comments are highly appreciated QuoTas!

Lovelots!

- 💛

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon