Mabilis ang paglipas ng araw, July na agad at kahapon ay nagkaroon ng suspension of classes dahil may bagyo and we're on signal # 2. Hindi naman ganun kalakas ang bagyo kaya may klase na ulit. Tsaka kahit malakas naman ang bagyo e ginagawang swimmer ang mga students. Hay Philippine government at education system, bulokers.Binisita kami ni Flaire dahil half day lang ang class nila. "Tumangkad ka na naman ata", niyakap ko si Flaire.
"Bili kayo ng daing na ibebenta namin next year", Aniya.
"Tignan mo 'to sinesalestalk na ako agad", biro ko sa kaniya.
Ang dami naming napagkwentuhan just like the old days noong kumpleto pa ang barkada. Maaga kaming umalis sa school dahil bibili kami ng halaman para sa garden tapos bumalik rin kami sa school para ilagay sa loob ng classroom baka kasi manakaw. Habang inaayos nila ang mga halaman sa loob ay kinulit na naman ako ni John. Pinagtitripan niya ako nang biglang nahagip ng mata ko ang mga mata ni Ruel na nakatitig sakin.
Tumitig rin ako pabalik para kumpirmahin kung totoo bang nakatitig siya sakin. Shuta gurl, nakatitig nga at hindi siya umiwas! Hindi ko kinaya ang intensity ng titig niya kaya ako na ang nagkusang umiwas. Pakiramdam ko tuloy para akong isang magandang painting na siya mismo ang gumawa kaya naman he can't help but to stare at his masterpiece. Ay artwork ka teh?
"Ma", humalik ako sa pisngi ni Mama pagkarating ko sa bahay.
"Kumain ka na dyan mamaya kapag gutom ka na. Aalis kami ng Papa mo", tinuro ni Mama ang kalderong may lamang ulam.
"Okay po", sagot ko bago nagtungo sa kwarto at nagbihis.
Tinapos ko muna lahat ng mga assignments na kaya kong gawin tapos 'yung iba nakikopya na lang ako sa ibang kaklase ko. Nagchat ako agad kay Noella nang matapos ko na lahat ang gawaing bahay tsaka mga homework.
Ako: Hoy!! Tinititigan ako ni Ruel kanina!
Noella: Ha? Bumalik pa kayo sa school?
Ako: Oo tas pinagtripan ako ni John kanina tas ayun nakita ko si Ruel na nakatitig sakin
Noella: Harot! Sana all!
Ako: Gaga anong sana all dyan!? Buti nga kayo ni Cael umuusad na e kami ni Ruel wala pa rin
Noella: Darating rin kayo sa hinihintay mo ano ka ba
Ako: Sabagay matagal ka ring naghintay kay Cael yieee
Noella: Che landi natin!
Ako: Mas malandi ka, ikaw ang humarot kay Cael! Ako nabuking lang kaya ganto ngayon grrr
Noella: Ano ulit motto natin? Pakipaalala nga sa akin HAHAHAHA
Ako: Study first pero kung may humarot, harot wisely and responsibly. Btch apakasinungaling natin HAHAHAHA
Noella: Pareho nating sinuway gaga ka!
Marami pa kaming pinag-usapan tulad ng kung gaano kahirap ang Calculus at Chemistry na siyang major namin this grade 11. Napakasakit sa ulo!
Nag-PE lang kami ulit noong sumunod na araw at nag-general cleaning din kami sa classroom. Habang naglilinis ang iba naming classmates sa room, nasa hallway naman kami at nagpupunas ng pader. Napagod na ako kaya nagpahinga muna ako sandali.
Kakatapos lang ng PE nila Ruel at nagstay sil sa stairs na katabi ng room namin. Tumingin ako sa stairs kung saan sila nakapwesto at hinanap siya ng nga mata ko. Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang makita kong nakatingin na pala siya sakin. Tumagal rin ang pagtitig namin sa isa't-isa at nang makaramdam na ako ng pagka-ilang ay umiwas na ako. Kinalabit ko si Daryl na katabi ko lang.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...