Kavideo call ko ang barkada ngayon. Katatapos ko lang magbihis at mag-ayos. Maaga akong nag-out at hinihintay ko na lang si Rehan para sunduin ako ngayon para sa biyahe namin. Nagleave ako for 2 days dahil sa Pagudpod, Ilocos Norte kami pupunta."Hoy ipakilala mo sa amin 'yang kasama mong bibiyahe", sabi ni Noella.
"Kaya nga kung sino-sino ang kasamang gumagala e hindi pa napakilala sa amin", sabi naman ni Mariah.
"Soleil 'yan ba 'yung laging sumusundo sa'yo after work?" tanong naman ni Czarlotte.
Tumango ako dahil inaayos ko pa ang mga damit ko.
"Pogi ba Cza?" tanong naman ni Kylie.
"Oo girl! Kaso laging poker face. Masungit ata", sagot ni Czarlotte.
"Oy Soleil ipakilala mo sa amin ha. Masasabunutan ka talaga namin kapag naging kayo na ng hindi pa namin nakikilala", sabi naman ni Shantal.
"Oo na oo na ipapakilala ko. Babush na aalis na kami", sabi ko.
"Andyan siya!? Hoy ipakita mo naman sa amin!" sigaw ni Kylie.
Inirapan ko siya at nagpaalam na sa kanila. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin. Nagsuot ako ng highwaisted boyfriend pants at stripes na crop top. Pagkabukas ko ng pinto ay nandun na nga si Rehan. First time ko siyang makita na nakasuot ng casual na damit. Nakacream long sleeve shirt siya na nakatupi hanggang siko at light blue na jeans. Nakablack rubber shoes din kaming dalawa.
"Tara?" kinuha niya ang straw tote bag ko.
Binaba niya ang cover ng mustang niya at inabutan ako ng jacket, "It's cold dahil gabi na. Wear that".
Nang maisuot ko na ang jacket ay inabutan niya naman ako ng blanket, "Cover your legs", sabi niya at inistart na ang engine ng sasakyan.
"Nakacover na nga ako lahat e", komento ko habang kinukumutan ang sarili.
"It's cold pa rin nga", Aniya.
"Yakap mo na lang ako", biro ko.
"I can't. I'll drive e", sumulyap siya sakin. "Seatbelt", tinuro niya ang seatbelt na hindi pa nakasuot sakin.
"Fine", bumuntong hininga ako. "Nasasakal ako dito e", bulong ko sa sarili.
Pinaharurot na niya ang sasakyan nang maisuot ko na ang seatbelt. Pasado alas otso na rin kasi ng gabi kami nakaalis sa Manila at tama nga siya malamig talaga. Ramdam na ang simoy ng ber months na bukas na pala ang simula. Shuta hindi pa nga siya kilala ng parents ko tapos ngayon may patravel together na kami agad.
Bukas na ang birthday ko at nagkaroon ako ng chance para makasama ang abogadong minsang nagbigay sakin ng note na handa raw akong ipaglaban. Hanggang kailan niya ba ako kayang ipaglaban e wala pa nga kaming nasisimulan?
"You should sleep para may energy ka bukas. Pagod ka galing sa hospital", sabi niya habang nagda-drive.
"Magpalitan tayo dyan sa pagdadrive. Galing ka rin ata sa trabaho", sabi ko naman.
Umiling siya, "I took a three day leave kaya wala akong trabaho hanggang Monday", sagot niya.
Napatango na lang ako at pinilit ang sariling matulog. Nakatulog nga ako at naalimpungatan na lang nang may marinig akong boses na nag-uusap. Iminulat ko ang mata at nakitang nakatigil pala ang sasakyan.
May kausap si Rehan sa phone at mukhang galit ito base sa reaksyon niya. Sumulyap siya sakin at napawi naman ang galit sa mukha niya. Kalaunan ay bumalik na rin siya sa upuan.
"A client called", maikli niyang sabi.
Tumango na lang ako at tinignan ang oras sa phone. Mag-aalas sinco na pala ng umaga. Naki-connect ako sa radio niya at nagpatugtog dahil hindi naman na ako inaantok. Pinatugtog ko ang kanta ni Harry Styles, 'yung Sweet Creature.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...