21

512 20 29
                                        


Katulad ng mga karaniwang magjowa ay ganun din kami ni Jared. Nagdedate pero madalang, nanunuod ng sine tsaka naghaharutan pero hindi sa public at syempre nag-aaway. Mas clingy si Jared kasi nga mas malandi siya tsaka paano naman ako magiging clingy e halos libro lagi ang kaharap ko.

May one time nga na nag-away kami ni Jared dahil daw hindi ko siya pinapansin at puros pharmacology lang ako ng pharmacology. May practicals kasi kami noon kaya todo review ako tapos ang gulo niya at nag-away kami dahil hindi ko siya pinapansin.

Dalawang araw din kaming hindi nagpansinan at hindi rin niya ako pinuntahan sa school kaya todo rant ako kay Noella noon na bagong gising lang. Luckily naperfect ko ang practical exam namin kundi makikipagbreak talaga ako kay Jared noon.

Papunta ako ngayon sa UST to celebrate their championship in UAAP. Grand celebration nila ngayon and the perks of having a Thomasian boyfriend increases my epinephrine, sobrang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.

Nakita ko si Ryleigh, architecture student siya dito. Kasama niya si Cianyx na barkada niya simula highschool at kaibigan ko rin, med student siya dito sa UST. Hay sana all thomasian.

"Uy hi! Long time no see", bati ko sa kanila at niyakap naman nila ako.

"Hala namiss kita Soleil! Kamusta ang UP?" sabi ni Cianyx.

"Ayun nakatayo pa rin namang ang UP Manila. Charot! Ayos lang naman ang lahat kinakaya pa rin kahit masakit na ang utak", pabiro kong sagot at natawa rin sila.

"Bakit ka pala napunta rito?" tanong ni Ryleigh.

"Grand celebration ng Growling Tigers ngayon diba? Pinapunta ako ni Jared e", sagot ko.

Nagtinginan silang dalawa atsaka gulat na tumingin sakin, "Kayo!?" sabay pa nilang tanong.

"Almost 4 years na kami", tumango ako habang natatawa sa reaksyon nila.

Gulat pa rin silaat mukhang matagal pang makaka get over sa sinabi ko kaya nauna na akong nagpaalam baka kasi hinahanap na rin ako ni Jared.

"Kitakits na lang sa UST field!" sabi ko at umalis na.

Tama nga ako na kanina pa ako hinihintay ni Jared at nang makita niya ako ay tinakbo niya agad ang lugar kung nasaan ako. Napatingin tuloy ang ibang tao kaya medyo nahiya ako.

"Kinabahan ako akala ko hindi ka pupunta", Aniya habang naglalakad kami papunta sa mga teammates niya.

"Dream school ko 'tong UST bat hindi ako pupunta? Nagditch nga ako sa sariling celebration ng UP kaya feeling ko tuloy isa akong taksil na iskolar ng bayan", pabiro kong sabi.

"Grabe ka. Kahit naman rivals ang schools natin nagsusuportahan pa rin naman. Tignan mo nitong kakatapos lang na season, our schools both cheered for each other", sabi niya.

"Ikaw ang galing galing mo ng mag-english dapat ata nasa DLSU ka nag-aral", siniko ko siya.

"Mga mayayaman ang mga nandoon. Tsaka scholar lang naman ako dito sa USTe", Aniya habang natatawa.

"I'm so proud of you engineer", sabi ko.

"Sa March pa graduation ko wag mo muna akong batiin baka majinx", Aniya kaya natawa ako ulit.

Pinakilala niya ako sa teammates niya pero lowkey lang at napansin din ako ng ibang athletes. Grabe ang popogi at hindi nagpapakabog si Jared. Sabi ko nga noon sa kaniya na dapat ata nasa basketball siya dahil sa looks niya pati katawan at height niya pasado bilang basketbolista kaso badminton ang alam niyang laruin which is also our sport bonding activity. Badminton lang kasi ang tanging sports na alam kong laruin. Kaya attracted ako sa sporty e kasi hindi ako ganun.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon