26

548 15 11
                                        


Pinuntahan ko muna si Mia para kunin sila Nebula at Eclipse. Siya kasi ang pinag-alaga ko dahil 1 week rin akong nawala. Sa Taguig siya nagtatrabaho bilang isang nurse at hanggang ngayon ay single pa rin tulad ko. 

"Mi amor mi amor", pabiro kong bati sa kaniya nang buksan niya ang pinto ng apartment.

Pinapasok niya ako at pinaupo sa sofa, "Nag clubbing sila Shantal ngayon hindi ka sumama?" tanong niya.

"Kagagaling ko lang sa Pangasinan kaya pass ako", sagot ko habang hinahaplos ang balahibo ng pets ko. "Ayuyuyu namiss ako nila Nebi at Ecsi. Inalagaan ba kayo ni Mia?" 

"Inalagaan ko 'yang mga 'yan grabe ka", tinabihan niya ako. "Sinong nagpicture sa'yo dun sa post mo sa IG? Ang ganda nung kuha", Aniya.

"May nakilala akong music professor pero photographer din kanina. CJ daw ang pangalan", sagot ko.

"Ano!? CJ!? Hala ka!" sumigaw siya na parang hindi alam na gabi na.

"Hoy! Rabrabiin nagtagari ka pay", saway ko sa kaniya. 

[ Trans: Hoy! Gabing-gabi na ang ingay mo pa ]

"Anong itsura ng CJ na nakilala mo?" tanong niya.

Napakunot ang noo ko dahil inaalala ko ang features ng photographer kanina, "Matangkad", tanging sagot ko.

"Patay. Yan 'yung CJ ni Czarlotte!" Aniya.

"Maraming CJ na matangkad ano ba", sagot ko at bigla na lang akong napahikab.

"Oy wag mong sabihing dito ka matutulog", tumayo siya.

"Hindi ako ang nagsabi. Tinatamad na akong umuwi sa condo. Dito na muna ako ha", ngumisi ako.

"Magbihis ka muna at maghilamos. Kung saan saan ka nanggaling e", nagsimula na siyang ayusin ang kama.

"Opo 'nay", pabiro kong sagot bago pumasok sa banyo.

Nagising kami sa sunod-sunod na katok sa pinto ng apartment ni Mia. Babangon na sana ako para buksan pero naunahan na ako ni Mia kahit antok na antok pa rin siya.

"Jusme tanghali na oy!" bungad ni Shantal.

"Gising-gising din pag may time para magising sa katotohanan", sabi ni Lianna. Ang ingay ng boses niya, high pitched!

"Ang aga-aga humuhugot agad 'to", sabi ni Flaire at prenteng naupo sa stool.

"Bitter 'yan sa mga writer wag mo na lang kontrahin", sabi ni Shayne.

"Sus ang yabang nito porket kasal na", sabi ni Kylie.

Natawa ako sa mga asaran nila. Para pa rin kaming mga highschool kapag nag-aasaran. Hindi naluluma 'yung mga ganitong senaryo.

"Oy Soleil bangon na", tinabihan ako ni Lianna at marahan akong niyugyog.

"Ang aga pa", sagot ko.

"10 am na po kaya madam", sabi ni Noella na kakauwi lang rin last month galing US.

"Ay weh!? Sorry hindi pa ako nakatulog ng ganito katagal since med school", hinilamos ko ang kamay sa mukha.

"I feel you", tumango-tango si Czarlotte.

Sapilitan nila akong pinaligo at pinagbihis dahil daw may pupuntahan kaming event. Book signing ng manliligaw ni Lianna at pagkatapos ay pupunta kami sa gig ng banda ng boyfriend ni Mariah.

"Lian libre mo pagkain mamaya ah", sabi ni Amethyst.

"Oo na doon tayo sa restaurant. Sagot ko na bonak kayo", sabi ni Lianna.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon