40

540 13 26
                                        


Kinabukasan ay naabutan kong wala na si Rehan sa tabi ko pero may note namang nakadikit sa noo ko.

Good morning sunshine! Pray for me to win my case today. Mahal kita.

Agad akong napangiti nang mabasa ang nakasulat sa note. Napatakip ako ng unan sa mukha at sumigaw. Lagi na lang nakakakilig ang mga simpleng bagay na ginagawa niya. Naghanda na ako para pumasok sa ospital.

"Shuta Soleil, umayos ka!" nasampal ko ang sarili habang kumakain ng agahan dahil napangiti ako bigla nang maalala ang note ni Rehan.

Mahal kita.

Napatili ako nang marinig ang boses ni Rehan sa isip ko. "Shuta ka talaga Soleil", napakagat ako sa labi.

Naghalf day ako ngayon para panuorin si Rehan sa korte mamayang alas dos. Nagsuot lang ako ng simpleng blue striped 3/4 sleeve na pantaas at black slacks sa pambaba. Nagcommute na lang ako. Marami ng tao sa korte nang makarating ako pasado ala una ng hapon.

Narecognize ko kaagad si Rehan kahit nakatalikod siya dahil sa malapad niyang balikat at stiff na posture. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang hearing, rape case at nasa panig ni Rehan ang biktima.

May projector at doon ipinapakita ang mga larawan ng mga ebidensya. Mabuti at hindi pinatay ang biktima. Ano ba kasi ang pumapasok sa isip ng mga rapist at bakit sila nangrerape? Mga halimaw at demonyo, sarap putulan ng ulo. Natulala ako habang nagsasalita si Rehan. Puta kaya nga talaga akong ipaglaban nito, sana.

"Guilty", pasya ng judge at napahiyaw naman ang nasa panig ng biktima. Kita rin na masaya si Rehan, hustisya ang nanaig.

Napanalo niya ang kaso tulad ng pinagpray ko kanina. Nakita kong masama ang tingin ng suspect kay Rehan maging ang pamilya nito dahil doon ay pinuntahan ko si Rehan.

"Galing ng abogado ko", pagkuha ko sa atensyon niya at sobrang gulat siyang tumingin sa akin.

"What are you doing here!?" hinila niya ako sa gilid sa konti ang tao.

"Pinanuod kita. Ang galing mo nga ka-"

"I said ipagpray mo lang ako. You don't have to come here and watch the hearing", putol niya sakin.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil akala ko matutuwa siya sa ginawa ko. "I-I'm sorry. Pero teka nga bakit ka ba galit?" sabi ko.

"My job is dangerous and I have a lot of enemies", lumunok siya sandali. "What I'm trying to point is baka they'll use you against me and I might put your life in danger", paliwanag niya, kita sa mata niya ang concern na may halong galit.

Hinaplos ko ang mukha niya kay kumalma ito. "Hindi ko na uulitin", napakagat ako sa labi.

"Hindi na talaga", hinubad niya ang suit at itinakip sa akin. "Let's get out of here", hinila na niya ako palabas.

Hanggang sa makarating kami sa kotse niya ay wala akong imik at nanatiling nakatakip ang suit sa akin ni Rehan. Luminga-linga pa siya sa paligid na parang may chinecheck kaya napaganun din ako.

"Keep your head low until I say you can sit properly", utos niya kaya sinunod ko kaagad.

Nang maramdaman ko ng umandar ang kotse ay umayos na ako ng upo. "I haven't said na pwede ka ng umayos ng upo", tumqlim ang tingin niya sakin kaya napairap ako.

"Wala naman na tayo doon!" reklamo ko.

"Hard headed", bulong niya pero narinig ko pa rin. "Where do you want to eat?" tanong niya.

"Sa plato kumakain diba", sarkastiko kong sagot.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. "Ako dapat 'yung upset diba e bakit it's like the table has turned?" tanong niya.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon