Nagising ako sa mainit na hininga sa tainga ko. Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin si Rehan na nakabihis na para sa trabaho."Good morning sunshine", hinalikan niya ang noo ko.
"Good morning... bat ka nandito?" garalgal kong sabi.
"Well... because I slept here last night?" tanong niya pabalik bago siya pumunta sa kusina at pinagpatuloy ang pagluluto.
"Ahh... sorry nababangag ako minsan e", dahan-dahan akong napatango bago tumayo at inayos ang kama.
"What's nababangag?" nilingon niya ako.
"Jusme trenta ka na pero hindi mo alam ang ibig sabihin ng bangag", pumunta ako sa banyo para magmumog. "Bangag is like parang lutang", sinubukan ko kung paano siya magsalita.
"You're a bully talaga", napahalakhak ako dahil mukha na naman siyang nagtampo. "I'll be cooking eggs" kumuha siya ng dalawang itlog sa ref.
"Anong itlog?" sinilip ko siya mula sa banyo at dahan-dahang napatingin sa pantalon niya.
Nakita kong namula siya. "Food. I'm talking about food, the edible one Soleil", sumeryoso ang mukha niya.
Napakagat ako sa labi para pigilan ang tawa. "Sunny side up, 'yung lutong-luto 'yung pula ng itlog ah. Gusto ko ng ganung luto".
"Yeah, I remember", tumango siya.
Naalala niya pala 'yung luto ng itlog na gusto ko. Matagal ko nang sinabi 'yun ah. Naligo na ako kasi nakakahiya naman super fresh na niya samantalang ako babangag-bangag. Minadali ko ang pagligo at hindi na nagbabad na karaniwan kong gawain. Nakabathrobe lang akong lumabas sa banyo.
Naestatwa si Rehan nang lingunin niya ako at ganun din ako. "U-uhm I'll g-go muna s-sa balcony", nautal pa siya at namula.
Hindi ako sumagot kasi nahiya rin ako bigla. Shuta virgin pa pala ako tapos bukod sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko at kay Jared, wala pang nakakakita sa akin na bagong ligo at super hot from banyo. Ay charot masyado namang mapiling 'yung super hot.
Binilisan ko ang pagpapalit. Nakita kong nakahain na sa hapag ang mga niluto ni Rehan. Fried rice, sunny side up, cornbeef at spam. Mukhang sosyalin lahat ng pagkakaluto e kapag ako naman ang nagluto hindi naman mukhang ganyan.
"Kain na tayo Rehan!" tawag ko sa kaniya.
Pumasok naman siya agad. "Look at this, the sun looks so good", ipinakita niya sa akin ang mga pictures na kuha niya.
"Uy ang gwapo mo dun! Pasend ako gagawin kong wallpaper dali", nilahad ko ang kamay para ibigay niya sa akin ang phone niya.
"Later na. Let's take a picture muna sa labas", hinila niya ako papunta sa balcony.
Hindi pa gaanong masikat ang araw. Magbeber months na rin kasi tsaka pasado alas sais pa lang ng umaga.
"Uy first time, parang ang fresh dito sa Manila", tumingin ako sa langit at napapikit.
"Ang ganda mo talaga", pinakita sa akin ni Rehan ang picture ko na kakakuha niya lang habang nakapikit ako.
"Alam mo ikaw mas nakakakilig ka kapag nagtatagalog ka", lumabi ako at pinagkrus ang braso.
Nginitian niya ako. "Come on pose ka pa dali", pinosisyon niya ang sarili para kuhanan ako ng litrato.
Naka-ilang kuha rin siya sa akin ng pictures. "Picture din tayong dalawa", nilapitan ko siya.
"I'm camera shy", umiling si Rehan.
"Camera shy camera shy, sige na kasi", marahan kong niyugyog ang braso niya.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...