28

543 18 23
                                        


Hindi siya ngumiti at mataman lang akong tinitigan. Hindi pa ako tumitig ng ganito katagal sa kahit na sino. Sobrang seryoso niya. Mukhang hindi niya ako bibigyan ng ngiti kaya binawi ko na ang kamay ko na kanina niya pa rin hawak. Umupo na ako sa katabing upuan ni Cianyx at biglang napainom ng tubig.

Shuta nauhaw ako doon ah!

Natahimik ako sa upuan ng magpatuloy sila sa pinag-uusapan. May dinidiscuss sila about sa nangyari kay Cianyx noong graduation niya sa UST. Sumuko na kasi 'yung kriminal at ngayon ay sinesettle ang mga kasong isasampa.

Naging interesado naman ako sa pinag-uusapan nila. Binalak ko ring mag-law noon kaso naiiyak ako kapag nakikidebate at baka matalo pa ang kliyente ko kaya hindi ko na tinuloy ang planong 'yun. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang tumawag ang fiancée ni Cianyx. Buti pa siya meron na, ako kaya kailan?

"Sagutin ko lang 'to. Usap muna kayo dyan", Aniya bago lumabas sa restaurant.

Naghari ang katahimikan nang iwan kami ni Cianyx. Tanging tunog lang ng mga kubyertos na gamit namin tsaka ang mellow na tugtog ng restaurant lang ang naririnig. Pati nga paghinga ko naririnig ko narin, shuta naman. Kailangan bang seryoso lagi ang mga abogado? Si Noella at Zari naman hindi ganito katahimik ah.

Wala ata siyang balak na kibuin ako. Ano 'yun after niyang magbigay ng candy na favorite ko lang naman tapos magdikit ng note na sabi I'm ready to defend you doctora hindi na niya ako kikibuin ngayong magkaharap na kami? Aba pauso siya!

Tumikhim ako, "So... last week anong ginagawa mo sa ospital?" tanong ko.

Uminom muna siya ng tubig at nagpunas ng labi, "I'm with my mom. Monthly check-up niya", tipid niyang sagot.

"Ah...", tumango ako.

Tapos ano na? End of conversation na ba agad? Mahina naman attorney! Chos.

"You're interested with our discussion earlier? Laws and stuffs?" tanong niya.

Pinigilan kong wag siyang paningkitan ng mata sa pagsisimula niya ng topic. 

"Oo", tumango ako. "Binalak ko rin kasing magtake ng law noon pero heto ako ngayon, faithfully married sa medisina", ngumiti ako.

Ngumiti siya.

Bitch what!? Ngumiti ang abogadong kaharap ko! Puta ang pogi! Napakurap-kurap ako dahil sa bigla niyang pagngiti sakin. Attracted na ba ako sa lalaking 'to o sadyang sumisige lang ang volatile blood sugar ko?

"I didn't know you were already married. Sabi kasi ng family ko single ka pa", Aniya. Hindi ko alam kung insulto ba 'yun o hindi.

"Your family?" kumunot ang noo ko. "By any chance are you associated with Tita Amara, Shazia, and Ali ganun?" lumaki ang mata ko.

"Yes, I'm the one na binubugaw nila sa'yo", Aniya.

Nalaglag ang panga ko. Shuta edi dapat noon pa ako may jowa kung nagkakilala kami ng mas maaga pa! Lord bat ngayon lang po?

"Wow", isinara ko ang bibig. "Dra. Soleil Valencerina", inilahad ko ang kamay.

Tinanggap niya 'yun at marahan akong kinamayan, "After all the scenarios na muntikan na tayong magkakilala finally, it's also nice meeting you doctora", Aniya.

"Going back sa topic natin, oo na single ako pero familiar ka talaga e", binawi ko ang kamay.

"Really?" kumunot ang noo niya.

Tumango ako, "You look a lot like my next boyfriend", pilya ko siyang nginitian.

Dahil doon ay parang nabulunan ata siya sa sarili niyang laway at naubo kaya natawa rin ako.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon