Sa ancestral house ng grandparents ko sa mother's side kami nagnew year at heto kami ngayong magpipinsan, umiinom ng San Mig dahil 'yun lang daw muna ang pwede.Naku kung alam lang nila na uminom na ako ng empi, tsk. Nagbilang kami mula sampu hanggang isa, nakikisabay sa countdown sa tv para salubungin ang bagong taon.
"Happy new year!" sabay-sabay naming sigaw.
Nagtatatalon kaming magpipinsan. Nag-asaran kami na kesyo tumalon daw kami para mas tumangkad at sana sa taon na ito ay magkajowa na raw ang dapat magkajowa. Simple lang ang Media Noche namin at pagkatapos ay nagkwentuhan at nagkantahan muna kami.
"Ate Soleil magdodoktor ka na talaga?" tanong ni Pierce, pinsan ko.
"Oo e. Ikaw ba? Tsaka ikaw Primo pulis na talaga?" tinignan ko silang dalawa.
"Oo ate, magpupulis ako", sagot ni Primo.
"Nurse ako ate", sagot naman ni Pierce.
"Ano ba 'yan, buwan lang naman ang tanda ko sa inyo. Makaate naman kayo", umirap ako.
"Ate ka namin pero ang liit mo", naghigh five silang dalawa.
"Pauso kayo", umirap ako ulit.
"Attitude ka ate", umiling si Pierce.
Sila ang pinakaclose kong pinsan dahil halos kaedad ko lang rin. Kaya sanay at close ako sa mga lalaki kasi halos lalaki ang mga pinsan namin sa mother's side.
Nagising ako mula sa masamang panaginip. Hindi raw ako nakapagpasa ng research project namin kaya naalala kong hindi ko pala 'yun tapos. Hindi ko naman masimulan dahil wala namang laptop or desktop dito sa bahay ng grandparents ko. Nagsimula akong magpanic dahil baka ako na lang ang hindi nakakagawa at baka bumagsak ang grade ko. Kaya nagchat ako sa ibang kaibigan ko.
Ako: Hoy nasimulan mo na ba research mo?
Mia: Yaass gurl nasa chapter 2 na ako
Ako: Hala sana all huhuhu
Nagchat din ako kay Noella at tapos na niya! Pati rin si Shayne, halos tapos na. Si Mariah at Kylie naman ay wala pang nagagawa kaya medyo kumalma ako. Maging si Czarlotte ay wala pa ring nagawa. Si Jared kaya?
Ako: Nagawa mo na ba research?
Jared: Syempre
Ako: Ano!? Sana all grr
Jared: Hindi pa
Jared: Ito naman hindi ako pinapatapos hahahahaha
Ako: Che ahahaha whatever ang sarap pa rin sa eyes
Jared: Alin? Yung pagkapogi ko ba hahahaha
Ako: Ew kadiri ka! Yung hindi mo pa nasstart ang research mo 'yun ang masarap sa eyes
Jared: Sus ahahaha
Ako: Dun ka na nga!
Jared: hahahahahahahattidue
Gumawa ako ng draft sa phone at nagdownload na rin ng mga magiging reference ko para sa research. Puta kailan pa ako nagprocastinate!?
Nanalangin muna kaming mag-anak bago umalis at mangiyak-ngiyak kaming lahat dahil maiiwan na naman namin ang grandparents namin at ang iba pa naming relatives.
"Ingat po kayo dito ha. Mahaba pa po buhay niyo tsaka ipaparenovate pa natin 'tong bahay", niyakap ko ang lola ko.
"Sana nga apo magkita pa tayo", hinalikan niya ako sa pisngi.
Sasabihin ko pa sanang 'magiging doktor pa po ako, hintayin niyo pa po ako' pero hindi ko na lang sinabi dahil tiwala ako sa Diyos na hindi niya pa kukunin ang grandparents ko.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...