Parang kailan lang kakatapos ko lang sa junior high pero ngayon nakatayo ako kasama ang mga ka-batchmates ko habang isa-isang umaakyat sa stage. Makukuha na namin ang diploma maging ang mga awards na pinaghirapan namin. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa isang pelikula na finast forward."From STEM, we have 17 students With Highest Honor, 68 students With High Honor and 39 students With Honor that will sum up for 124 students", sabi ng STEM head adviser namin.
"With Highest Honor, Kris Manuel Ferrer", unang umakyat si Kris dahil siya ang overall valedectorian ng STEM. Sumigaw kami kaya napatingin siya sa amin at natawa.
"With Highest Honors, Kaira Kim Merza", sunod naman na tinawag ang girlfriend ni Kris. Sana all relationship goals.
Napatungo naman ng ulo si Kaira dahil sa hiya. Halos ang buong barkada ang bumuo ng top 10. Galing sa section nila Ruel ang 3rd, si Kingson. Ryleigh's fourth na sinundan naman ni Matthew. Magkakasunod naman sila Kylie, Olyx, Shayne, Mariah at Stephen from sixth to tenth.
"With Highest Honors, Hemera Soleil Valencerina", panglabing-dalawa akong tinawag. Mataas na 'tong 12 masasapak ko na talaga mga magulang ko kapag hindi pa sila naproud. Charot as if kaya ko namang gawin 'yun.
"With Highest Honor, Jace Redmond Castillo", nang matanggap na ni Jared ang mga awards niya ay tumabi siya sakin.
"Goals din tayo yiee", biro niya kaya siniko ko.
"Pauso ka. Walang ganap sa atin okay? Hmp!" inirapan ko siya.
Panglabing-pito na at umakyat na rin si Ruel, "With Highest Honor, Ruel Xoren Barrozo".
Ang manly niyang tignan kahit mahinhin ang pagtanggap niya sa mga awards niya. Grabe nayakap at naakbyan na pala ako ng lalaking tinitignan ko ngayon. Nagtama ang tingin namin pero hindi katulad ng dati na nagpapanic ako, nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya.
Nang makababa na kami sa stage ay sinunod naman ang mga With High Honor. Separate ang upuan ng mga graduates sa mga parents nila at hinanap ko sila Mama at Papa na nasa kanang direksyon ko. Kumaway ako sa kanila at pinakita ang diploma ko maging ang samu't-saring certificates at medals na natanggap ko.
Sana proud sila. Sana proud sila. Sana proud sila. Puta sana proud sila. Paulit-ulit sa isip ko. Ngumiti sila. Punyeta ano!? Ngumiti sila!
Sa wakas ay umakyat na rin si Lianna, "With High Honor, Lianna Islene Garcia".
Kalaunan ay tinawag na rin ang pangalan nila Noella, Mia at Czarlotte. Magkakasunod sila.
"With High Honor, Eilish Noella de Guia".
"With High Honor, Amormia Nayeli Reyes".
"With High Honor, Hiraya Czarlotte Torio".
Nang matapos ang awarding ay nagproceed na sa valedictory speech. Seryosong umakyat sa stage si Kris ng walang dala kahit kapirasong papel. Siguro namaster na niya ang speech.
"Good afternoon everyone especially to all the graduates", panimula ni Kris. Nakinig kaming mabuti. Minsan lang kasi siya maging ganyan kay susulitin na namin.
"A friend once told me about a story, The alchemist ata ang title, it says there na when you really want something to happen, all the universe will conspire to help you achieve the thing that you desire", tumigil siya sandali. "Relate it with ourselves. Hindi ba't ganun tayong lahat? May mga pinapangarap at may ibang hindi pa alam kung ano ang pipiliing pangarap", patuloy niya.
Ako ata ang nagsabi nun sa kaniya kaya medyo naproud ako dahil namention niya 'yun.
"We can be everything we want and in order to achieve those dreams, we need to have perseverance and hardwork. All the other dreams will follow and all the blessings will come our way kapag ginawa natin 'yun," napatigil sandali si Kris sa speech parang nag-iisip.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...