"Doc pwede po bang magleave ako? Ang sakit po kasi ng puson ko at medyo nahihilo na rin ako", umasim ang mukha ko at umaktong masakit ang puson."Hay, low blood ka na naman ba?" nilapitan ako ng senior ko.
Nagkukunwari akong may dysmenorrhoea dahil kakausapin ko sila Ruel at Jared. Hindi ko sila pwedeng basta iwan sa ere matapos kong sagutin si Rehan. Hindi naman ako ganun kasama. I mean, masama na nga ako doon sa part na iba ang pinili ko kahit pa may usapan kami na magkikita after years. Iniisip ko pa lang na sasabihin ko na sa kanila ang totoo ay para talagang umiikot ang sikmura ko. Halos dalawang linggo na rin simula nang sagutin ko si Rehan.
Umarte ako na parang nahilo pa kaya hindi na nagkaroon ng oras ang senior doctor ko na icheck pa ako. Gusto pa sana niya akong ihatid sa parking lot para masigurado na hindi ako mahihimatay habang naglalakad pero nakumbinsi ko naman na kaya ko ang sarili ko.
Alas sais pa lang ng gabi. Dumiretso ako sa site kung nasaan si Ruel ngayon. Bumaba ako sa kotse at pinagmasdan ang building na itinatayo. Nasa foundation pa lang ito at marami akong nakitang nakahard hat kaso hindi ko makita si Ruel. Hindi ko mahagilap 'yung broad shoulder at clean cut niyang buhok. Iginala ko pa ang paningin at nagulat dahil nandito rin si Kaye.
"Kaye! Uy notice me!" sigaw ko para maagaw ang atensyon niya.
Napalingon si Kaye sa gawi ko at pinaningkitan ako ng mata. Lumiwanag ang mukha niya nang makilala na ako at dali-dali akong pinuntahan.
"Soleil! Anong ginagawa mo dito?" sinalubong niya ako ng yakap.
"Nandito ba si Ruel? Dito kasi 'yung sinabi niyang site na inaasikaso niya", luminga-linga ako sa paligid.
"Ay nandoon siya sa construction site. Maalikabok doon. Ipapatawag ko na lang siya", may tinawag siyang trabahador.
Mayamaya pa ay may lumapit sa amin na lalaki. Nakangisi ito kaya nairita ako sa presensya niya, parang timang. Hinubad nito ang hard hat at nagpunas ng pawis. Talagang sa harap ko pa?
"Soleil this is Engr. Vince Ancheta", pagpapakilala ni Kaye sa lalaking lumapit.
Nakipagkamay ako sa kaniya at ngumiti. "Totoo pala ang sinabi ni architect. Hindi ka nga madamot sa ngiti", sabi nito.
Binawi ko kaagad ang kamay. Napakamot tuloy ito sa batok. Mabuti na lang ay may tumawag sa phone niya at sinagot niya agad.
"Kamusta pala kayo ni ano?" tanong ko kay Kaye.
"Ah... ayos lang", sagot niya.
"Weh?"
"Architect! Tawag po kayo ni Sir Ruel!" tawag ng isang trabahador kay Kaye.
"Una na ako. Engr. Ancheta kausapin mo muna si doctora", nagpaalam na si Kaye.
Tinignan ko ang lalaking Vince daw ang pangalan. Napatingin rin siya sakin at sumenyas ng sandali lang. Mayamaya pa ay natapos din ang pag-uusap nila ng nasa kabilang linya.
"Take care Amor", paalam nito sa kausap.
Lumapit siya sa akin at sumandal sa kotse ko. Tinignan niya ang relo at napatingin sa akin.
"May date kayo ni architect?"
"Parang ganun na nga", nginitian ko siya.
"Ay akala ko doon na siya sa nurse niya babalik rin naman pala siya sa'yo".
"Nurse niya?" kumunot ang noo ko.
"W-wala", napatakip ito sa bibig.
Natawa na lang ako. Akala niya ata girlfriend ako ni Ruel. Bigla namang may itinuro siya sa di kalayuan kaya napatingin ako. Nakita kong tinatanggal na ni Ruel ang hard hat niya at nag-alcohol. Kumunot din ang noo niya nang tignan niya ang relo bago naglakad palapit sa akin.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...